top of page

Dagdag-kita ba ang hanap mo? Read mo ‘to! Negosyong maliit ang puhunan na patok ngayong 2020

  • Jersey Sanchez
  • Jan 12, 2020
  • 2 min read

‘Ika nga nila, daig ng madiskarte ang masipag. Sa hirap ng buhay ngayon, kahit may regular kang trabaho, mas maganda pa ring magkaroon ng extra income para sa iba pang gastusin.

Kung business-minded ka, isa sa mga tips sa pagsisimula ng negosyo ay ang pagiging masipag at makilatis sa pagpili ng mga negosyong papasukin mo. Kung artsy ka, puwede kang mag-commission sa mga artworks, food business naman sa mahihilig magluto, at pagbebenta ng pre-loved items kung masyado ka nang maraming gamit.

Kaya naman para sa mga beshies natin d’yan na naghahanap ng patok na pagkakakitaan sa maliit na paraan, narito ang ilang business ideas para sa inyo:

1. BLOGGING. Hindi lang libangan at pampalipas-oras ang blogging dahil puwede mo rin itong pagkakitaan sa pamamagitan ng ads displays, sponsored posts at affiliate marketing. Gayundin, kung may online business ka, puwede mo itong i-promote sa iyong blog. Para gawin ito, kailangan mo ng computer o laptop, internet at magandang pangalan ng iyong blog. Pag-isipan mong mabuti kung ano ang mga ibabahagi rito na magiging interesting at helpful sa readers mo. Halimbawa, puwede kang maging mommy blogger na nagse-share ng experiences ng isang ina. Kung food at travel lover ka naman, puwedeng ito ang maging content mo.

2. SARI-SARI STORE. Kung feeling mo ay may sapat ka nang ipon at kayang-kaya mo nang magpatakbo ng tindahan, go ka na rito. Make sure na itatayo mo ito sa mataong lugar at sabayan ng diskarte, puwede kang kumita nang malaki.

3. PREPAID LOAD RETAILER. Patok at madadala mo kahit saan ang prepaid loading business dahil kailangan mo lang ng cellphone at retailer SIM card. At dahil unli-data, call and text is life para sa karamihan sa atin, tiyak na marami kang magiging suki. Gayundin, kung meron ka namang tindahan, puwede mo itong idagdag sa mga services ng tindahan mo, pero kung wala naman, puwede mo itong simulan sa iyong mga kapamilya, kaibigan, kapitbahay, katrabaho o mga kaklase.

4. PHOTO BOOTH BUSINESS. Bukod sa pagkain, isa pang paborito ng mga Pinoy ang kumuha ng pictures. ‘Yung tipong ‘pag may nakitang camera, awtomatikong nagpo-pose. Ha-ha-ha! Perfect ito sa‘yo kung may photo editing skills ka at may kakilalang event organizers na puwedeng mag-refer ng business mo sa mga kliyente nila. Kailangan mo rin dito ng DSLR camera, light stand, printer at props.

5. BUY-AND-SELL. Mahilig tayong mga Pinoy na bumili nang patingi-tingi kaya naman kung patok na negosyo ang hanap mo, try mo na ‘to! Pumili ka ng mga items na sa tingin mo ay patok sa mga mamimili, tapos bilhin ito nang wholesale at ibenta sa retail price. Puwede kang magbenta ng mga damit, pagkain, accessories at marami pang iba. Para naman makabenta, puwede kang mag-post sa iyong social media accounts.

Sa tulong ng internet at social media, hindi n’yo na kailangan ng malaking puhunan para magsimulang magnegosyo. Kung may nagustuhan kang negosyo sa mga nabanggit, try mo na this year! Good luck, ka-BULGAR!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page