Yes Kitty vs. Genie Hello sa WTA

Balikatan ang magiging laban sa pagtikada ng condition race sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite ngayong araw.
Kasabay nito aalagwa ang dalawang Winner Take All (WTA), Pick 6, Pick 5 at Pick 4 na kapapalooban ng Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super 6.
Sa Race 1 kung saan magsisimula ang 1st WTA kasabay ng Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super six balikatan ang magiging laban ng Rosario Princess, Double Time Swing at Strong Leader.
Sa Race 2 ipinapatok ang Lucky Savings sa 3 Year Old Group Race Merged at magkakalaban sa forecast ang Money Gain, Boy George at Golden Double.
Sa simula ng 2nd WTA sa Race 3, patok ang Daniel My Brother habang magkakalaban sa Forecast ang Baling Rikit, Titanium, Star of Lucena at Only One.
Magsisimula ang Pick 6 sa Race 4 at magkakalaban ang Gil’s Magic, Ambet Ko To, ang couple entry na Eyeshot at Be Humble, Easy Landing at Huckleberry.
Sa Race 5, nakalalamang ang Yes Kitty habang makakalaban ang Genie Hello, isama ang Jebel Ali at Lady Zip sa Trifecta at quartet na umpisa ng Pick 5.
Sa Race 6, binibigyan ng malaking panalo ang Fantastic Ma, at makakatunggali ang Case Bell, Watermania at Navy Cut. Puwedeng dumiin sa West Pointer at maaaring tumaya sa forecast ng Den Deren Denden kasama ang couple entry na Great Year at Beverly sa Race 7.
Sa Race 8, nakalalamang ang couple entry na Lady Mischief at Sepfourteen, Gomper Girl at Gold Smith at Hidden Light. Ipinapatok ang Golden Hook sa Race 9 habang pang-forecast ang Sinag, Class Night , Space Jam at Golden Sunrise at Pentafecta.





Comments