Tricycle vs. van, 5 nadale
- Maeng Santos
- Jan 11, 2020
- 1 min read
Patay ang isang tricycle driver habang apat pa ang sugatan kabilang ang tatlong pasahero ng biktima matapos banggain ng Fuso van sa Valenzuela City, kahapon ng umaga.
Dead-on-the-spot sanhi ng pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Ric Lorenz Francisco, 22, habang isinugod naman sa Valenzuela Medical Center ang kanyang mga pasaherong sina John Aeron Regusta, Nichole Ragusta, 19, at Maricris Salangad, 19.
Ginagamot naman sa Valenzuela Emergency Hospital ang isa pang sugatan na si Rills Bulletic 41, driver ng motorsiklong nadamay sa banggaan.
Sumuko naman sa pulisya ang driver ng van (NCG-9112) na si Jack Dempsey Lolo, 47, na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide, multiple physical injuries at damage to property.
Sa nakarating na report kay Valenzuela Police Chief Col. Carlito Gaces, alas-11:00 ng umaga habang tinatahak ng tricycle ang kahabaan ng T. Santiago St. patungong C. Molina, Veinte Reales, nang biglang sumalpok sa kasalubong na van.
Sa lakas ng salpukan, tumilapon ang mga biktima habang nadamay naman ang motorsiklong minamaneho ni Bulletic na nasa likurang bahagi ng tricycle.





Comments