top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Ipinaglaban daw sa padir kahit bawal pa… Liza, umaming 17-anyos lang nang makuha ni Enrique?

Janice DS Navida
Jan 10, 2020
2 min read

Tuwang-tuwa ang mga press people sa pa­gi­ging open at totoo nina Liza Soberano at Enrique Gil kahapon sa grand media launch ng kanilang bagong primetime serye sa ABS-CBN, ang Make It With You na magsisimula na sa Lunes, Jan. 13, kapalit ng Starla ni Judy Ann Santos.

Umpisa pa lang kasi ng press­con, may rebelasyon na si Liza na umaming 17 years old lang siya nang sagutin si Enrique na siyang first boyfriend niya.

Sabi pa ni Liza, bawal pa ta­laga siyang magka-boyfriend pero dahil matigas daw ang ulo niya, ipinag­laban niya si Enri­que sa kanyang ama.

When asked kung paano niya napapayag ang ama na mag­ka­roon na sila ng relasyon ni En­rique, kuwento ni Liza, “Sabi ko sa daddy ko, ‘Masaya ako. Kung gusto mo akong maging masaya, papayagan mo ‘ko.’”

Sinegundahan naman ito ni Quen na ipinresenta niya ang sa­rili sa tatay ni Liza para ma­­tang­gap siya.

Niloko naman ang LizQuen ni dating QC Mayor Herbert Bautista na gumaganap na tatay ni Liza sa Make It With You. Sabi ni Yorme Bistek, may naririnig daw siya sa LizQuen sabay dugtong na “Bas­ta ninong ako, ha?”

Kaya tinanong namin si Enrique kung nag-propose na ba siya kay Liza o may plano na silang magpakasal?

Itinaas ni Liza ang dalawang kamay para ipakitang wa­la pa siyang suot na engagement ring, sabay sabing gusto niyang mag-asawa before she turns 30. Twenty-two pa lang daw siya at marami pa silang gustong gawin ni Enrique.

Naiintindihan naman daw ‘yun ni Quen at hindi siya nagmamadali sa kasal nila ni Liza.

Samantala, dahil nga sa balitang hanggang March 2020 na lang ang ABS-CBN franchise at hindi na raw papa­ya­gang ma-renew ni Pangulong Rodrigo Duter­te, nahingi ang reaksiyon dito nina Enrique at Liza since baka abutan nga ng pagsasara ang airing ng mag­si­si­mula pa lang nilang teleserye.

Sabi ni Enrique, sakto raw ‘yun sa birthday niya.

Sagot naman ni Liza, “Message for the President? Gosh! Ahhh, I believe he’s understanding. Alam na­man niyang mara­ming maaa­pek­tuhan, it’s not just the company itself but all the employees.

“And I’m sure he has a gene­rous and an understanding heart. So I hope he wakes up one mor­ning and he thinks about it again and maging bukas ang puso niya sa la­hat ng small employees na na­nga­ngailangan ng trabaho,” pang-beauty contest na sagot ni Liza ka­ya umani ito ng palak­pa­kan sa presscon.

Anyway, may bago na na­man ngang seryeng aabangan ang Liz­Quen fans simula sa Lunes at sa trailer pa lang ng Make It With You, ibang-iba na ang looks dito nina Li­za at Enrique, mas mature na.

Mula sa direksiyon nina Cathy Garcia Molina at Richard Arellano, kasama rin sa Make It With You sina Eddie Gutierrez, Herbert Bautista, Ian Venera­cion, Pokwang, Katya Santos, Katarina Rodriguez at marami pang iba.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page