Ang dami raw tuloy nakisawsaw… Hirit ni Sharon: KC, imbes nag-text o tumawag, sa socmed pa nagsori s
- Nitz Miralles
- Jan 10, 2020
- 2 min read
Nitz Miralles / Bida

Nabasa namin ang sagot ni Sharon Cuneta sa birthday greetings ng anak na si KC Concepcion kung saan, nabanggit ni Megastar na nami-miss na niya ito dahil hindi nila nakakasama sa mga family occasions. Mas gusto sana niyang personal siyang binati nito para nayakap niya ang anak. O kaya, sa card siya binati gaya ng dating ginagawa ni KC tuwing birthday niya.
Disabled ang comment box ng Instagram (IG) account ni Sharon, kaya walang makapag-comment.
Nabanggit din ni Sharon sa kanyang post ang mga taong nakikialam sa kanilang mag-ina na dinaig pa ang mga nakakakilala sa kanila at ang mga kasama nila sa bahay. Ang mga netizens na nag-comment after her birthday celebration sa A.S.A.P. ang tinukoy ni Sharon.
“Ang daming taong nakikialam at nagsasabi ng masasakit na salita sa social media when WALA NAMAN SILANG ALAM SA BUHAY NATIN NG ILANG TAON NA. They talk as if they live with us and believe their own out-of-this-world, very mean, even evil opinions to be facts, when it’s really so simple.
“I felt obligated to post this because instead of a private text or call from you, you had posted your message and these mean people who have nothing better to do have written their own stories in their twisted minds and posted them as if they were the truth.”
Tinapos ni Sharon ang mahaba niyang post sa pakiusap sa mga netizens. Aniya, “Kayong mga walang magawa kundi sirain at sirain kaming mag-ina, bahala na ang Diyos sa inyo. Hindi kayo nakakatulong. Naaawa ako sa mga nanay n’yo na nagpalaki sa inyo dahil parang ‘di kayo natuto nang mabuti. Tigilan n’yo na sana kami. Normal lang ang hanapin ng ina ang kanyang anak. Kundi n’yo maintindihan ‘yun, that’s your problem, not ours.”
Tahimik pa rin ang kampo ni KC at baka hindi na nito i-post ang sagot niya, baka makipagkita na lang sa ina. Ilang araw na rin siyang walang post sa IG, pero sa IG Story, nag-post ng “meetings” at “Bring it 2020!”





Comments