Kahit parehong weak numbers... Paraan para yumaman ang mga “Taong dos at siyete” ngayong 2020
- Maestro Honorio Ong
- Jan 9, 2020
- 2 min read

Ituloy na natin ang pagtalakay ngayong taong 2020 na siya ring taon ng animal sign na Metal Rat.
Noong nakaraang isyu, ipinaliwanag natin ang kahulugan ng numerong 4 na kumakatawan ngayong taong ito ng 2020.
Tandaan, dahil ang 2020 ay kinokompyut ng ganito, 20+20=40/4+0=4, lalabas sa nasabing kompyutasyon ang single digit na four (4).
Sa Tarot Card, ang 4 ay inirerepresenta ng emperor na kumakatawan sa matalino at matandang lalaki, maaari ring siya ay mayamang negosyante o makapangyarihang hari na magpapairal ng katarungan at kasaganahan sa buong kaharian. Ibig sabihin, kung pagbabatayan ang ikaapat na baraha sa Tarot Card sa Major Arcana, ngayong 2020, siguradong iiral ang kasaganahan, katarungan at pagyaman.
Kaya tulad ng nasabi na, kung yaman ang gusto mo sa buhay, pagkakataon mo na ang Year of the Metal Rat ngayong 2020 para magawa ang iyong mga gusto, lalo na silang may mga birth date na 5, 14, 23, 8, 17, 26, 1, 10, 19, 28, 4, 13, 22 at 31 o mga taong singko (5), otso (8), uno (1) at kuwatro (4) dahil sila ang mga kandidato sa biglaang pagyaman ngayong 2020.
Paano naman yayaman ngayong taon ang mga indibidwal na ka-compatible ng numerong 4 tulad nilang may mga birth date at destiny number na 2, 11, 20, 29, 7, 16 at 25?
Dahil ang mga taong dos (2) at siyete (7) ay weak number at madalas ay mahina ang loob, dapat sa kanila ay sumama sa mga taong may mga birth date na 1, 10, 19, 28, 4, 13, 22 at 31 dahil ang nasabing mga indibidwal ngayong taon ang tiyak na magpapayaman sa kanila.
Kaya maiisip mo na kung ang mga taong siyete at dos ay nag-iisa lang sa buhay, walang kasosyo at kasama, tulad ng nasabi, kahit suwerteng taon pa nila ang 2020, malabo silang yumaman nang todo.
Tulad ng nasabi na, para yumaman nang husto ang mga taong siyete at dos ngayong taon, maghahanap sila ng makakasama na mahusay sa negosyo at pagkakaperahan dahil ang suwerte ng nasabing mga nilalang ay siguradong kusang mapupunta sa mga taong dos at siyete ngayong 2020.
Paano naman yayaman ngayong taon ang may mga birth date na 3, 12, 21, 30, 6, 15, 24, 9, 18 at 27? Dahil biglaan at magagarang pangyayari ang tinatayang magaganap ngayong 2020, malalaman mo kung ikaw ay patungo sa pagyaman.
Kung sakaling noong Disyembre 2019 hanggang sa buwan ng Pebrero 2020 ay gumaganda ang iyong kabuhayan, kayong mga isinilang sa mga petsang 3, 12, 21, 30, 6, 15, 24, 9, 18 at 27 ay magtutuluy-tuloy ang pag-unlad at ang pagkakamal n'yo ng kasaganahan sa buong taong ito ng 2020 hanggang sa tuluyan na kayong yumaman.
Pero kung noong Disyembre at pagsapit ng Enero at Pebrero ay naging bulagsak kayo, mabilis na naubos at nasimot ang pera at nabaon pa sa mga pagkakautang, ito naman ang mga indikasyon na dapat kang mag-ingat dahil maaaring kayong mga may birth date na mga numerong 3, 12, 21, 30, 6, 15, 24, 9, 18 at 27, ‘pag hindi iningatan ang kabuhayan ay maaaring biglaan at tuluy-tuloy na ring maba-bankrupt at lalong maghihirap ngayong buong taon.
(Itutuloy)




Comments