Wa’ raw silbi, giyera ng mga bansa, tuloy!.. United Nations, bubuwagin na ngayong 2020
- Sr. Socrates Magnus II
- Jan 8, 2020
- 2 min read
Bigyang-daan natin ang mahahalagang prediksiyon ngayong 2020.
Tulad ng nasabi noong nakaraang isyu, ang taong 2020 ay “beginning of a New Astrological Era” at ito ay tatawaging ”era of no boundary.”
Kamakailan, napabalita ang pagkamatay ng ikalawang pinakamataas na lider sa Iran at ayon sa mataas na opisyal ng ating gobyerno, ang napatay na lider ay kasinghusay ni Julius Caesar, ang kinilalang pinakamagaling na Roman general sa kasaysayan ng mundo.
Dahil siya ang pinakamagaling, sa panahon ngayon, wala siyang kapalit. Kumbaga, kahit may ipalit sa kanya ay hindi uubra sa galing at talino niya sa larangan ng digmaan.
Ang totoo nga, kaya siya pinatay ng America ay dahil siya ang general na pinakamaraming napatay na Amerikano.
Sa kanyang pagkamatay, marami ang nagsasabing maiiba na ang larawan ng mundo, lalo na sa Middle East dahil hindi siya mapapantayan. Gayunman, bago dumating ang kapayapaan, makararanas muna ang mundo ng “birth pain” na tulad ng nararanasan ng mga babae kapag nanganganak.
Patayan o killing, assassination, bombahan at giyera, digmaan din sa internet, paglason, pagsira sa mga bundok, ilog at dagat. Pagpapalubog sa mga barko at pagpapabagsak sa mga eroplano. Dahil dito, habang ang mundo ay dumaranas ng birth pain, marami ang mapipinsala at magkakasakit, magugutom at mamamatay.
Magtatangka ang mga bansa na mag-usap-usap para sa kapayapaan, pero habang nag-uusap, lalo lang gumugulo ang sitwasyon kaya ang pagbabalewala sa samahan ng mga bansa o United Nations (UN) ay mangyayari. Dahil dito, mabubuo ang ideya na alisin na ang UN at palitan na
lang ng iba.
Dahil noon pa man ay hindi nasosolusyunan ng UN ang mga problemamg pandaigdigan, patuloy ang digmaan ng mga bansa, ang masasamang lider ay patuloy pa rin sa kanilang ginagawa kaya marami ang naniniwala na ang UN ay walang silbi.
Aanhin pa ang UN kung patuloy at lalong lumalala ang kahirapan, kahit ang pagkasira ng kapaligiran ay hindi malapatan ng lunas?
Ang pananaw na naghahari ngayon ay pabor lang ang UN sa Western world at mayayamang bansa dahil hindi umaangat ang kalagayan ng mga bansang mahihirap.
Bawat problema ay pinag-uusapan, pero hindi nalulutas kaya dumarami ang mga gobyernong gusto nang tanggalin ang UN. Bago matapos ang 2020, mabubuo ang pasya na alisin na ang UN.
(Itutuloy)




Comments