top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Ginebra Kings, una sa Game 1 vs. Bolts

  • ATD
  • Jan 8, 2020
  • 1 min read

Inangkin ng Ginebra Kings ang Game 1 matapos pagulungin ang Meralco Bolts, 91-87 sa PBA Governor’s Cup kagabi sa Araneta Coliseum.

Nangamada si Japeth Aguilar ng 16 points upang tulungan ang Gin King sa asam na panalo. Hindi nag-iwanan ang crowd favorite Gin Kings at Bolts sa first canto matapos ilista ang tig-19 points papasok ng second.

Bahagyang nakalamang ang Meralco sa second canto, abante sila ng 22-18 para sa 41-37 bentahe sa halftime. Nakipagsabayan sa opensa ang Bolts sa third quarter kaya nanatili sa kanila ang bentahe, 71-68 papasok ng fourth.

Dikdikan ang naging labanan sa payoff period, nangibabaw ang Kings sa endgame upang ilista ang 1-0 serye.

Samantala, bago nagharap ang Ginebra at Meralco, pinatalsik muna nila sa semifinals ang NorthPort Batang Pier at TNT KaTropa ayon sa pagkakasunod.

Unang sumampa sa championship round ang Gin Kings nang talbusin nila sa Game 4 ang Batang Pier, 120-107 para ilista ang 3-1 serye. Nasagad naman sa Game 5 ang pagkakasampa ng Bolts matapos kuryentihin ang KaTropa, 89-78 sa do-or-die game.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page