Balikan, ipinu-push ng fans… Gretchen, pinusuan ang post ni Claudine tungkol kay Raymart
Nitz Miralles / Bida

Photo: @claubarretto
Maiksing “Thank you for the pasalubong @raymartsantiago” lang ang ipinost ni Claudine Barretto at ang picture ng pasalubong sa kanya ni Raymart na nanggaling sa Japan kasama ang mga anak nilang sina Sabina at Santino. Marami na agad ang nag-comment sa naturang post na sana ay magkabalikan na silang dalawa.
Nag-post din si Gretchen Barretto ng heart emoticon na ang dating sa mga nakabasa ay aprubado sa kanya ang ginawa ni Raymart na pasalubungan si
Claudine, kaya lalong natuwa ang mga fans.
Bukod sa wish na magkabalikan ang dalawa, may nabasa kami na sakaling malabo na silang magkabalikan, sana ay manatili silang magkaibigan para na rin sa kanilang mga anak.





Comments