Awang-awa raw sa iba na sa network lang talaga umaasa … Hirit nina Jed at Angeline: Natatakot pero k
- Vinia Vivar
- Jan 8, 2020
- 2 min read

Aminado sina Jed Madela at Angeline Quinto na ikinalulungkot nila at natatakot din sila sa balitang hanggang ngayong March, 2020 na lang ang franchise ng ABS-CBN at napipinto ngang matigil na sa pagsasaere kung hindi mairi-renew ang kontrata.
“Nakakalungkot kasi hindi lang kami ang maaapektuhan, mas marami pa,” ani Jed sa presscon nila ni Angeline para sa pre-Valentine concert dinner na Voices For Love.
Sinegundahan din ni Angeline ang sinabi ni Jed, at aniya, “Mas iniisip din namin ‘yung iba na parang ‘yun lang ‘yung kabuhayan mo, eh, ‘di ba? Paano naman din sila?”
Kung sila lang daw ay puwede namang magtrabaho outside ABS-CBN like they do concerts, shows, singing engagements, etcetera., paano naman daw ‘yung iba na sa ABS-CBN lang talaga umaasa?
Sey ni Angeline na nagbibiro, puwede rin siyang magluto aside sa pagkanta. “Hindi kasi, before naman po talaga, nu’ng bago ako nag-Star Power, kasi nga, tulad ng sabi ko dati, nag-stop na po akong sumali sa mga singing contests kasi akala ko talaga, hindi para sa akin ang singing.
“So, sabi ko, ‘Ano pang puwede kong gawin para kahit paano, habang nag-aaral ako, mayroon akong naibibigay sa nanay ko?’”
Gusto raw niya talaga noong magtrabaho sa mga fast food kahit tagalinis lang sa kusina. Pero naiba ang takbo ng buhay niya at siguro ay talagang ibinigay na rin ni Lord sa kanya ang pagkanta.
“Pero kung halimbawa na ako, gusto ko, magluto pa rin,” sey ni Angeline. Natanong din namin kung may offer ba sa kanila ang ibang network, ayon sa dalawa ay dati pero hindi nila option ang lumipat ngayon.
Sey ni Angeline, may malaking utang na loob siyang tinatanaw sa ABS-CBN at sobrang thankful siya sa network kung nasaan man siya ngayon. If ever na wala na raw TV airing ang istasyon, hindi na siya lalabas sa telebisyon at puwede naman siyang mag-concert na lang or gumawa ng album.
Samantala, first concert together nina Jed at Angeline ang Voices For Love although magkasama sila sa A.S.A.P. Natin ‘To every Sunday. Si Annabelle Rama na siyang producer ng show ang nakaisip na pagsamahin sila dahil bilib na bilib siya sa husay ng dalawa bilang singers.
When asked kung bakit sila ang napili niyang kunin para sa isang Valentine concert gayung hindi naman magdyowa at magka-love team ang dalawa, ani Tita Annabelle, ang unang plano raw niya ay sina Erik Santos at Angeline, pero nang mapanood niya si Jed na nag-perform sa Malacañang ay sobra siyang nagalingan dito. Right there and then ay nagdesisyon na siyang pagsamahin sila for a Valentine show.
Ang Voices for Love ay gaganapin sa Feb. 12 sa Marriott Grand Ballroom with guests Mitoy Yonting, LA Santos and Alyssa Muhlach-Alvarez. Special participation sina Vice-Governor Imelda Papin, Mayor Lani Mercado at si Mother Lily Monteverde.





Comments