Nanaginip na napunta sa iba’t ibang lugar, sign na haho-homesick abroad
- Socrates Magnus
- Jan 7, 2020
- 2 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Sabrina ng Sabrina_Ganda@face-book.com
Dear Professor, Naligaw ako at napunta sa may flat na semento. Napakatarik kaya takot akong dumaan dahil madulas, mataas at walang mga baitang kaya humanap ako ng ibang daanan. Habang naglalakad ako, may tatlong babae akong napagtanungan. ‘Yung dalawa ay magkaibigan at ‘yung isa ay parang maldita. Habang kausap ko ‘yung babaeng naglalaba, nakikialam ‘yung babaeng maldita kaya nagpasama ako ru’n sa naglalaba at nakalabas kami sa kakahuyan. Paglabas namin, may dumating na sasakyan at may karatulang Lagro kaya sinabi niya na ru’n ako sumakay, tapos ang dami niyang sinabi na bababaan ko, pero pagtawid namin, may bata na muntik nang masagasaan kaya inakay ko ‘yung bata at sabi ng babae, bukas na ako makakasakay dahil inuna ko ‘yung bata. Nagpaiwan na ako sa kanya at habang naglalakad ako, naiba ang lugar ko at napunta ako sa ilog kung saan nandu’n ‘yung asawa ko. May dalawang alimango at pinakukuha ko sa kanya, pero hindi niya kinuha. Habang naglalakad kami, may nakita akong malalaking earthworms na parang higante na nasa lupa kaya takot na takot akong tumawid sa daraanan namin. Halos hindi sumasayad ang mga paa ko sa lupa at nang nakatawid kami, nakita ko siya kasama ang mga barkada niya. Umuwi na lang ako sa bahay namin, tapos bigla akong nasa school ng alaga ko para magsundo, kasama ko ‘yung amo kong lakaki, tapos iniwan ko siya sa may mga upuan dahil tumakbo sa daan na parang bundok ‘yung alaga ko. Hinabol ko siya at tumawag ‘yung amo ko. Tapos, nasa sasakyan naman ako at ang init ng ulo ko, tapos may nagsaboy ng tubig. Sabi ng mga nasa bus, ang lamig tapos naiinitan ako, gayundin, bigla kong nakita ‘yung batchmate ko na nasa Amerika at binati ko. Bigla naman akong ginuhitan ng ate ko ng itim na marker sa kilay ko kaya nagmukha akong katawa-tawa. Tapos, may babae na nagsaboy ng pabango sa akin habang nagkukuwentuhan kami ng batchmate ko, pinagtatawanan ako dahil sa kilay ko, tapos naiba na naman ako ng lugar. Napunta ako sa bahay namin na matagal nang giniba, nandu’n daw ‘yung imahen ng Mahal na Birhen, kinuha ko ‘yung mga mata na iba ang hitsura para kuhanan ng picture at ipasa sa group chat. Tinanong ko si Brod Mike kung bakit ganu’n ang mga mata niya, puro black at parang hindi ko maipaliwanag.
Naghihintay,
Sabrina
Sa iyo Sabrina, Masasalamin sa panaginip mo na sadyang mahirap ang buhay ng mga OFW na tulad mo. Iniisip ang pinanggalingang lugar, inaalala ang pamilya at hindi rin maiwasang ang mismong trabaho niya ang maging laman ng kanyang isipan at mga panaginip.
Alam mo, iha, maganda na rin ang ganitong nangyayari sa iyo dahil ito ay pangkaraniwang nararanasan ng mga nasa malayong lugar.
Ang isa pang maganda ay kung hindi mo mapapanaginipan ang lahat ng ito, aatakihin ka ng home sickness kung saan lalong mahihirapan ang isipan at kalooban mo. Dahil napa-naginipan mo si Virgin Ma-ry, manalangin ka sa Kanya. Ang ating mga kababayan na OFW ay dapat kumapit kay Virgin Mary para guminhawa ang kanilang pakiramdam at gumanda ang kanilang buhay.
Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo





Comments