top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mga taong kuwatro, kung hindi sobrang suwerte, sobrang malas naman ngayong 2020

  • Maestro Honorio Ong
  • Jan 7, 2020
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

Ituloy na natin ang pagtalakay ngayong taong 2020 na siya ring taon ng animal sign na Metal Rat.

Dahil ang numerong 2020 ay may sumatutal na 4 (20+ 20=40/ 4+0=4) at puwede ring tawaging “double-twenty”, maituturing na ang suwerteng kulay ngayong taong ito ay ang dilaw, partikular ang gold o golden yellow, habang ang secondary color naman ngayong taong ito ay black at green.

Ang isa pang tanong na napakahalagang sagutin ay sinu-sino ang talagang susuwertehin ngayong 2020? Dahil 4 ang namamayaning numero, ito ay napakahirap unawain dahil kadalasan, ang nagiging temperament at kapalaran nila ay “biglaang suwerte, pero maaari ring biglang malas” at puwede ring kabaligtaran, “malas na malas o lungkot na lungkot sila sa buhay o lungkot na lungkot ang kanilang kapalaran dahil sa sobrang dami ng mga pagsubok” na hindi rin nila inaasahan, biglang may darating na napakagarang suwerte at magandang kapalaran.

Ganu’n palagi ang buhay at kapalaran ng mga taong four, hindi simple. Bagama’t, gusto nilang mabuhay nang simple, hindi rin nila maunawaan kung bakit binibigyan sila ng tadhana ng napakakumplikadong mga kapalaran.

Bagama’t, hindi nila alam ‘pag tinanong kung bakit, ang saktong sagot ay ang mga taong four ay binibigyan ng mga napakakumplikadong kapalaran ng tadhana dahil ang totoo, matapos nilang maranasan ang kumplikadong karanasan, nakahanda rin nilang tanggapin sa bandang huli ang napakalaki at dambuhalang suwerte na hindi pa nila nararanasan sa tanang buhay nila.

Ibig sabihin, dahil 4 ang numerong mamamayani ngayong taong ito, halos ganundin ang mangyayaring kapalaran ng bawat tao.

Pero may hint o paraan para makaiwas ka sa mga negatibong pangyayari kung sakaling ang dumating sa buhay mo ay biglang kamalasan kung saan ang napakasimpleng solusyon ay obserbahan mo ang mga pangyayari sa unang buwan hanggang sa ikalawang buwan ngayong taong ito ng 2020.

Dahil ang prinsipyo o sikreto ng anumang pangyayari at batas ng kalikasan sa mundong ito ay cycle, ibig sabihin, pag-uulit lamang ng mga pangyayari. Kaya kapag napansin mong sinusuwerte ka sa unang dalawang buwan ngayong taong ito ng 2020, ibig sabihin, sa Enero hanggang Pebrero ay nag-o-observe ka sa mga pangyayari sa iyong buhay, siguradong ang magandang kapalaran ngayong buwan ng Enero hanggang Pebrero ay tiyak na magtutuluy-tuloy na sa buong 2020.

Habang kung mga negatibong bagay ang nagaganap sa iyo ngayong buwang ito ng Enero at Pebrero, hindi ko sinasabing magtutuluy-tuloy sa buong taon, bagkus, ang saktong salita ay maaaring ang dapat mong gawin ay magdagdag ka ng pagninilay at maglunsad ng mga pagbabago.

Anu-ano ang mga pagbabagong maaari mong gawin kung sakaling napapansin mong hindi naging paborable sa iyong kapalaran ang simula ng taong 2020, partikular ngayong Enero at Pebrero?

Ang sagot sa nasabing katanungan ang ipaglilingkod natin sa susunod na mga araw. Basta ang mahalaga, manatili lamang kayong sumusubaybay sa ating Forecast 2020 at mga espesyal na pagtalakay ng inyong kapalaran ngayong taong ito ng 2020, dito pa rin sa paborito n'yong pahayagang BULGAR.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page