top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Horoscope | Enero 7, 2020 (Martes)

Maestro Honorio Ong
Jan 7, 2020
2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Enero 7, 2020 (Martes): Patuloy ang pagdating ng iyong mga suwerte. Walang ma­gagawa ang mga lihim mong ka­away kundi patu­loy na ma­buhay sa inggit at galit.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pag-aralan mo ang buhay mo, hanapin mo kung saan puwedeng magkaroon ng pagbabago. Kung may kailangan ayu­sin, ayusin mo at kung may puwede pang pagandahin, pagandahin mo. Masuwer­teng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-20-24-29-34-45.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ikaw pa rin ang mas ma­su­werte kaysa sa mga naghahangad na sila ay buwenasin. At dahil likas kang mabait, magan­dang ibahagi mo sa kapus-palad ang ilang mga su­werte mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-19-25-29-30-33.

GEMINI (May 21-June 20) - Talasan mo ang paki­ram­dam mo nang hindi makalagpas ang malaki at magandang pagkakataon na mabilis na mapupunta sa iyong hara­pan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwer­teng kulay-pink. Tips sa lotto-8-10-14-20-27-35.

CANCER (June 21-July 22) - Unahin mo ang pagpapa­laki sa iyong kinikita. Ang iba pang bagay ay pan­samantala mo munang ka­limutan dahil dito sa mun­do, kung sino ang makapal ang bulsa ay siya ang kiniki­lala. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-13-19-28-31-32.

LEO (July 23-Aug. 22) - Tu­lu­ngan mo o pa­sanin ang hindi mo kaki­lala. Magugulat ka dahil biglang magdaratingan sa iyo ang mga suwerteng hin­di mo akalain na para pala sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwer­teng kulay-blue. Tips sa lotto-10-16-18-26-37-43.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nakadarama ka ng hindi ma­ipaliwanag na lungkot. Balewalain mo ito dahil ang ganitong bagay ay mula sa mga araw na kasi­yahan na makikitang may dala ring lungkot pagkata­pos. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-14-16-20-27-35.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sundin mo ang payo sa iyo ng iyong sarili. Ang nakikinig sa sariling payo ay nagkakaroon ng magagan­dang kapalaran, pero ang nakikinig sa iba ay kada­la­sang napapahamak lang. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-18-21-31-32-38.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong ipagpa­li­ban ang iyong mga plano para sa ikaga­gan­da ng buhay mo. Labanan mo ang iyong pag­lilibang sa mga bagay na nag-aaksaya lang ng kabuhayan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-20-29-31-38-42.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pahinga pa rin ang kaila­ngan mo. Kung magtatrabaho ka, hinay-hinay lang. Kailangang ma­nariwa ang iyong lakas at isipan nang sa gayun ay hindi ka makagawa ng malaking pagkakamali. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-22-28-33-37-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi para sa iyo ang hindi pagbibilang ng hindi pa hawak. Ang totoo, puwede mo nang bilangin ang mga magkakatotoo sa iyong mga pangarap. Kung ilan ang mabilang mo, tiyak na ito ay mapasasaiyo. Ma­suwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-19-25-32-38-44-46.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nasobra­han ka sa saya kaya ngayon ay nalulungkot ka. Pansaman­tala lang naman ito dahil ang totoo, ang kakambal mo ay saya at sarap ng buhay sa ibabaw ng mundo. Masu­werteng kulay-white. Tips sa lotto-7-19-20-25-30-36.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magplano ka para sa gaga­win mong pag­lalakbay. Ito ay nang hindi na maulit ang nakaraan kung saan hindi ka nakapaghanda kaya hindi ka rin gaanong naging masaya sa iyong pag­lalakbay. Masuwerteng ku­lay-green. Tips sa lotto-9-10-17-21-25-31.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page