Hiwalayan, sinakyan, 'di agad nilinaw para mapag-usapan… Nadine at James, nag-ingay lang dahil m

Isang reliable source at malapit sa magkasintahang James Reid at Nadine Lustre ang nagklaro sa amin na walang breakup na naganap sa dalawa, taliwas sa mga kumalat na balita.
Ayon sa nakausap namin, nasa Baguio na ngayon ang magkasintahan bitbit ang ilang fans na close sa kanila para magbakasyon.
Tinanong namin kung bakit walang ipinost na larawang magkasama sina Nadine at James nu’ng nakaraang Pasko. Ikinuwento sa amin ng aming reliable source na kasama ng aktor ang pamilya sa Cebu samantalang si Nadine ay ang kapatid ni James na si Lauren Reid ang karay-karay tulad nang lumabas na photo.
Tama rin ang pahayag ni Coleen Garcia na together with her husband, Billy Crawford, ay foursome dates sila nina Nadine at James at ilang Kapamilya stars sa New Year Countdown ng ABS-CBN.
Marami lang ang nag-aakusa kay Nadine na mukhang sinakyan nila ni James ang isyu dahil imbes na klaruhin agad ang kuwento ay kung anu-anong cryptic posts pa ang ginawa ng aktres sa kanyang IG, na lalong nagpaingay at nagbigay ng haka-hakang hiwalayan nila ng kasintahan.
Lalo pang tumindi ang hinala na ito ng ibang kasamahan sa panulat dahil bali-balita na may isang malaking proyektong gagawin ang dalawa matapos tanggihan ni James ang serye na pagtatambalan sana nila ni Nancy ng grupong Momoland.





Comments