Hindi na hapi sa pinapasukan dahil sa patak-patak na suweldo, problemado para sa pamilya

Dear Roma, Meme na lang ang itawag n’yo sa akin. Forty years old na ako at kasalukuyang nagtatrabaho sa isang publication. Halos dito na ako tumanda, nagkaasawa at nagkaanak. Nagkaproblema nang malaki ang kumpanya kaya apektado lahat ng empleyado. Hindi na kami nababayaran sa SSS, Pag-Ibig at PhilHealth, pati na rin ang suweldo namin ay patak-patak pa. Nahihirapan na rin ang mga anak ko. Ano ang dapat kong gawin? – Meme
Meme, Mabigat talaga sa kalooban na iwanan ang mga bagay na naging parte ng buhay mo, pero siguro, panahon na para pag-isipang umalis sa kumpanyang pinapasukan mo at maghanap ng iba, lalo na at kailangan ng pamilya mo ang pampinansiyal na suporta kesa magtiis ka pa. Huwag kang mag-alala, siguradong may magandang kumpanya ka pa ring mapapasukan. Huwag kang matakot sa panibagong hamon na haharapin mo dahil ganyan talaga ang buhay. Ang mahalaga, marunong kang lumaban basta taglay mo ang positibong pananaw. Good luck at God bless!





Comments