top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pagbabagong sisimulan ng kabataan sa pagpasok ng bagong era ngayong 2020

  • Sr. Socrates Magnus II
  • Jan 6, 2020
  • 2 min read

Bigyang-daan natin ang mahahalagang prediksiyon ngayong 2020.

Sa larangan ng Astrolohiya, ang taong 2020 ay tinatawag na The Beginning of a New Astrological Era. Kumbaga, magsisimula na ang mga year na twenties or 20’s. Sobrang haba ng bilang ng mga taon kaya may tinatawag na decade, century at millennium, pero ang era ay mas mahaba kesa sa mga ito.

Ang new era na magsisimula ngayong 2020 ay ang “era of no boundary”. Ibig sabihin, walang hangganan o walang bakod. Kumbaga sa bakuran o lote, wala ring limitasyon sa espasyo o lugar.

Nakakabigla para sa iba ang ganitong pagsisimula ng panahon kung saan ang mga bansang mahigpit ang gobyerno at mga tradisyonal na lider ay hindi basta-basta papayag.

Dahil dito, maraming bansa ang kikilos laban sa pagpasok ng mga bagong komunikasyon, lalo na ng internet, makabagong gadgets at ultra-modern na instrumento sa space at earth.

Tulad ng babaeng manganganak, makararanas ang mundo ng tinatawag na “birth pain” kung saan marami ang masasaktan, masusugatan, mapipinsala at mamamatay dahil sa anumang pagsisimula ay siya ring katapusan.

Hindi naman gaanong mahirap maunawaan ang ganitong sitwasyon dahil alam na rin ng lahat na “In death, there is life,” kaya in new life, there must be death.

Pansamantala lang naman ang birth pain dahil pagkatapos makaranas ng sakit ang babaeng nanganak, makikitaan siya ng masaya o happy smile na nagsasabing sa kabila ng sakit na naramdaman, mayroong kasunod na ligayang walang kapantay.

Sa Middle East kung saan sobrang tradisyonal ang patakaran, mas mararamdaman ang birth pain. Gayunman, bago magsimula ang 2020, may ilang mga bansa na rin ang yumakap sa parating na new era na walang bakod.

Sa Saudi Arabia, noon ay bawal ang driver na babae, pero ngayon, marami nang babae na makikitang nagmamaneho ng sarili nilang sasakyan. Dahan-dahan na ring natatanggap ng ilang bansa ang kalayaang tinatamasa ng Western world.

Kahit sa mga pananamit, makikitang may kalayaan na ang mga mamamayan na isuot ang damit na gusto nilang isuot. Sa larangan ng sports, marami na at dumarami pa ang mga bansang pumayag na makilahok ang kanilang mamamayan.

Sa beauty contest naman, makikita na ang mga bansang sobrang higpit ay inirerepresenta na rin ng kanilang mga beauty queens.

Mahaba ang tinatawag na era at dahil dito, lalakad ang panahon at masasaksihan ng mundo na sa mga bansang minamaliit ang mga kababaihan ay magkakaroon ng babaeng lider.

Ang mga bansang minamaliit ang mga kababaihan ay ang mga bansa sa Middle East.

Makikita rin ang mga anak na lalaki at babae ay magkakaroon ng kakaibang bagong tuklas na kalayaan na hindi matanggap ng matatanda o magulang.

Gayunman, ang ganap na pagbabago ay magmumula sa mga teens o kabataan.

Sa huli, wala na ring magagawa ang matatanda o magulang kundi yakapin o tanggapin ang pagbabago na ipauuso ng mga teens.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page