top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kaya 'di na makahabol sa entry ni Aga… MMFF movie ni Vice, luma na ang mga jokes, tinipid pa?

  • Erlinda Rapadas
  • Jan 6, 2020
  • 1 min read

Matapos na ang MMFF 2019 at kahit ano pa ang gawin ni Vice Ganda, hindi na niya kayang habulin ang kinita ng pelikulang Miracle in Cell No. 7 na pinagbibidahan ni Aga Muhlach. Hindi sina Coco Martin at Vic Sotto ang naging pinakamahigpit niyang kalaban kundi ang comebacking dramatic actor na si Aga.

It seems nagsawa na ang mga moviegoers sa pareho at lumang jokes, pati na sa plot ng movie ni Vice sa MMFF. At mukhang tinipid na rin ang The Mall, The Merrier dahil walang kinuhang malalaking artista na kasama sa cast. Puro cameo role lang at hindi gaanong entertaining ang istorya.

At least si Vic, mula’t sapul ay nagsabing hindi siya nag-a-aspire at nag-e-expect ng number one post sa filmfest. Basta mapasaya lang niya ang mga bata na laging nag-aabang ng kanyang pelikula ay okay na, kaya hindi siya na-pressure at na-stress nang husto.

Kung tutuusin, hindi naman talo sa kita ang Mission Unstapabol, The Don Identity na naka-4th place base sa box office results.

Walang special effects na ginamit at hindi ito fantasy movie, tama lang ang budget at hindi rin gaanong malaki ang TF nina Pokwang at Jake Cuenca na kasama sa cast.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page