Horoscope | Enero 6, 2020 (Lunes)

Sa may kaarawan ngayong Enero 6, 2020 (Lunes): Bilis ang susi mo para sa anumang hangarin mo sa buhay. Dapat lang na mabilis kang magpasya at kumilos upang maging mabilis din ang iyong pagyaman.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang mag-alala kapag biglang kumilos ka na parang hindi ka gaanong nakapag-isip nang mabuti. Sa ganitong paraan, mas mapabibilis ang pagkakaroon mo ng maunlad na buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-20-23-30-36-43.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Paglilinis ng silid-tulugan ang magsisilbing pampabuwenas mo. Ang paulit-ulit na pagsasaayos ng mga gamit ay may parehong epekto. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-19-21-24-25-31.
GEMINI (May 21-June 20) - Lumalaki ang tsansa na manalo ka kapag masaya ka at pinalalagpas mo lang ang mga problema. Ang kakaibang sikreto ng pampasuwerte mo ay ang mabilis na paglalakad mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-20-27-30-32-34.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang matakot kapag tumataba ka ngayong taon. Ito rin ay nagsasabing tataba ang bulsa mo at ang kaban ng yaman mo ay makikitang mahimalang aapaw. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-18-20-21-28-33.
LEO (July 23-Aug. 22) - Palagi mong lilinisin ang ginto mong alahas, lalo na kapag may pupuntahan ka dahil ang ginto ay isa sa mga pinakamabisa mong pampasuwerte. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-15-19-21-26-37-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Maglagay ka ng kahit munting palayok sa bahay. Paminsan-minsan, ito ay iyong hahawakan. Puwede mo rin itong lagyan ng pera bilang pampasuwerte sa iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-20-25-30-33-35.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Susuwertehin ka ngayong taon kapag ang mga pisngi mo ay madalas dapuan ng sariwang hangin. Hindi makagaganda para sa iyo ang palagi ka na lang nasa loob ng bahay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-19-21-24-28-38.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Maglalapitan sa iyo ang mga suwerte ngayong taong ito kapag nagawa mong kontrolin ang galit mo. Harapin mo ang mundo nang may pag-ibig sa iyong mga mata at puso. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-17-21-26-31-32.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi gaanong kagandahan sa iba at hindi katanggap-tanggap sa mga nagkukunwaring hindi mahilig sa pagpapayaman, ngayong taong ito, maging mapaghangad ka. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-20-23-25-30-46.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Lahat ay gustong buwenasin, lalo na ngayong bago na ang taon. Para sa iyo, ang pampasuwerte mo ay ang madalas na paglalakad mo sa loob ng bahay nang walang sapin sa paa. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-10-15-19-22-32.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kakaiba ang susi ng paano ka bubuwenasin sa
pakikipagsapalaran ngayong taong ito, dapat ang makasama mo ay palakuwento kahit totoo o hindi ang mga kuwento sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-3-17-20-25-35-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Gusto mo bang matupad ang iyong malaking pangarap? Mamasyal ka sa tabin-dagat at doon mo ibulong ang iyong pinakahinahangad-hangad. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-29-30-31-34-39.




Comments