top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Isama mo na sa New Year’s Resolution mo, besh... Tips para hindi mabaon sa utang

  • Jersy Sanchez
  • Jan 5, 2020
  • 2 min read

Kapag naso-short tayo sa budget, pangungutang ang unang pumapasok sa isip natin. Agree? Utang man ‘yan sa kaibigan, kapamilya o bangko, magugulat ka na lang sa taas ng bayarin mo. Hay, naku!

O, 'di ba't nakaka-stress talagang magkautang? Kaya narito ang ilang tips para iwas-utang ngayong taon.

1. MAGING FINANCIALLY LITERATE. Kahit puwede itong matutunan sa paaralan o mga seminars, ang pagiging financially literate ay dapat magsimula sa bahay o pamilya.

Kapag usapang pera, dapat isama ang mga anak mula panganay hanggang bunso nang sa gayun ay malaman nila ang kahalagahan ng pera, gayundin kung paano mag-ipon at matalinong paggamit nito.

Sa pagbuo ng monthly budget ng pamilya, isama sina bagets para malaman nila na malaking responsibilidad ang pagma-manage ng pera, nagsikap ang mga magulang na sanayin ang kanilang mga anak sa wastong paggamit ng pera, worth it ito pagdating ng panahon.

2. MAG-IPON NG EMERGENCY FUND. Madalas na nangungutang ang mga Pinoy sa lending company o 5-6 dahil sa mga hindi inaasahang pagkakagastusan. Para utang-free ‘pag may emergency, mabuting mag-ipon para sa emergency fund.

Ayon sa mga eskperto, dapat 3 months worth of living expenses ang laman ng emergency fund para kapag may miyembro ng pamilya na nagkasakit, may pera na nakahanda para sa pagpapagamot.

3. MAG-SACRIFICE. Para makatipid at makapag-ipon ng pera, kailangang mag-sacrifice. Halimbawa, may mga online subscriptions ka na hindi mo naman madalas nagagamit, baka puwedeng tanggalin na ito sa iyong priority dahil for sure, meron pa namang alternatibo para sa mga ito.

Puwde mo rin itong i-discuss sa pamilya mo para malaman nila ang iyong sacrifices at malay mo, ma-inspire rin silang mag-sacrifice para makatulong sa inyo.

4. ‘WAG MANGUTANG ‘PAG HINDI KAILANGAN. Sa hirap ng buhay ngayon, dapat nating pag-isipan nang maigi ang pangungutang. ‘Yung tipong dapat nating alamin kung kailangan ba talagang mangutang para mabili ang mga gusto natin o puwede namang pass muna at saka na lang bilhin ‘pag may pambili na. Mga besh, hangga’t may option na ‘wag mangutang, ‘wag na itong gawin. Okie?

5. ‘WAG MAGPAIMPLUWENSIYA. Sa dinami-rami ng mga produktong nasa market, mapapasabi ka na lang ng “Sana, all may pambili.” Mga lodi, patunayan mo na ikaw ay wais na mamimili sa pamamagitan ng hindi pagpapadala sa pambubuyo ng iba para lang makasunod sa uso.

Tandaan, hindi mo ikaliligaya ang latest phone kung ang kapalit nito ay pagkakalubog mo sa utang. Gayunman, hindi naman natin sinasabing bawal mag-shopping, pero dapat ‘wag kang lalagpas sa budget na meron ka.

6. MAGING KUNTENTO. Ito ang pinakasimpleng paraan para makaiwas sa utang at makapag-ipon. Oks lang maghangad ng magagandang bagay para sa 'yo at sa pamilya mo, pero ang mahalaga ay makuntento sa kung ano ang meron ka saka ito palaguin.

Maraming dahilan kung bakit nangungutang ang tao at hindi naman masamang mangutang kung wala kang choice at kailangang-kailangan mo, pero ‘wag nating kalimutan na nakaka-stress ito, lalo na kung hindi mo alam kung saan ka maghahagilap ng pambayad.

Gets mo?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page