top of page
Pokwang.jpg

Horoscope | Enero 5, 2020 (Linggo)

Maestro Honorio Ong
Jan 5, 2020
2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Enero 5, 2020 (Linggo): Ito ang taon na maitatala sa aklat ng iyong kasaysayan kung kailan mas maraming opor­tunidad ang magdarati­ngan sa iyong buhay.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ituloy mo ang iyong ambisyon kahit ano ang maranasan mo habang ti­na­tahak mo ang landas ng iyong buhay. Mas matamis ang tagumpay ng mga nag­daan sa mga pagsubok. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-10-20-39-41-43.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong palag­pa­sin ang mga oportunidad na lalagay sa iyong harapan. Ngayon ang pagkakataon mo para ma­palapit ka sa pinapa­ngarap mong pagyaman nang todo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-18-27-31-38-41.

GEMINI (May 21-June 20) - Tulad ng mga pailaw, ang buhay mo ngayon taon ay magliliwa­nag. Ang mga kinatataku­tan at alalahanin mo ay mag­lalahong parang tinangay ng malakas na hangin. Ma­suwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-19-20-24-30-34.

CANCER (June 21-July 22) - Narito ang pampasu­werte mo nga­yon taon. Bagong basong inuman at lalagyan ng tubig na iyong iinumin. Subukan mo at ma­gugulat ka, magiging bago ang lahat para sa iyo. Masu­wer­teng kulay-pink. Tips sa lotto-1-18-29-30-36-45.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ka­hit may ilang mapagsaman­tala sa kabuti­han mo, huwag kang mag­babago dahil ang tunay na dahilan kung bakit mas ma­suwerte ka kaysa sa ibang nilalang ay dahil sa pagiging mabait mo. Masuwerteng ku­lay-beige. Tips sa lotto-16-18-28-33-34-43.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lagyan mo ng kislap ang bu­hay mo at mag­kikislapan ang magagan­dang oportunidad para sa iyo. Ang tinatawag na kislap ng buhay ay ang biro, harot at masasayang kuwentu­han. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-19-22-28-39-40.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Susuwertehin ka ngayong taon mula sa pagsu­suot ng mga napapanahong damit. Kaya maganda na kung ano ang uso, ‘yun ang isuot mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto; 19-21-25-30-37-45.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag ka agad maniniwala sa mga sinasa­bing mabilis kang yayaman o ki­kita nang malalaki at hindi ka gaanong mahihirapan. Pakinggan mo ang payong ito ng iyong kapalaran. Ma­suwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-23-27-35-39-46.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong kaligtaan ang payo na da­pat nakasayad ang mga paa sa lupa ng mga umaasenso at nagsisiyaman. Ikaw ay ma­pabibilang sa kanila kaya ang payo ay para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-16-27-32-36-42.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Gusto mo bang magtu­luy-tuloy ang mga suwerte sa buhay mo? Hu­wag mong kalimutan na pa­minsan-minsan ay ibabahagi mo sa kapwa mo ang mga na­tanggap mong biyaya. Ma­suwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-10-26-34-38-44.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magsuot ka at gumamit ng mga palawit at nakabiting bagay sa iyong bahay at sa iyo mismo dahil ngayong Bagong Taon, ang mga ito ang pinakamabi­sang pampabuwenas mo. Ma­su­werteng kulay-brown. Tips sa lotto-1-18-23-25-35-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nakagugulat, pero kahit hindi ka gaanong na­niniwala o medyo nag-aalin­langan ka, dapat ngayon taong ito, bago ang sandals o tsinelas mo. Ito ang iyong pampasuwerte. Masuwer­teng kulay-white. Tips sa lotto-18-28-36-38-40-45.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page