Yellow, black at green, mga suwerteng kulay ngayong 2020

Bagong Taon na naman at marami ang nagtatanong kung ano ang magiging kapalaran nila ngayong taong ito ng 2020.

Ang taong 2020, ayon sa Chinese Astrology, paghaharian ng animal sign na rat o daga at ang taong 2020 ay nagtataglay ng elementong metal o bakal. Ibig sabihin, ang taong ito ay Year of the Metal Rat.
Sa Numerology naman, ang 2020 ay may sumatotal na 4 sapagkat kapag ini-reduce o ginawang single digit number ang numerong 2020, ganito ang lalabas na kompyutasyon, 20+20=40/ 4+0=4.
Ang ibig sabihin ng numerong 4, tulad ng numerong 13 (ang 13 ay 1+3=4) ay nagbabadya ng kagulat-gulat at magagara o hindi pangkaraniwang pagbabago ang inaasahang magaganap.
Hindi lamang sa mismong buhay at kapalaran ng bawat indibidwal kundi kagulat-gulat din at magagara ang inaasahang magaganap sa kapalaran ng ating bansa at buong daigdig.
Dahil four (4) ang mamamayaning numero ngayong taon, ibig sabihin, ang masuwerteng kulay para sa taong ito ng 2020 ay yellow, partikular sa gold at golden yellow. Sekondaryong kulay naman ang black at green.
Bukod sa numerong 4, ang basic interpretation, ayon sa Numerology, “biglaang suwerte at maaari ring biglaang kamalasan”, alalahaning ang taong 2020 ay maaari ring i-interpret sa pamamagitan ng pagsasama ng dalawang numerong parehong itinuturing na “weak number” na two (2) o twenty (20) na ang nagpagara pa nang husto sa mga numerong ito ay ang kabuntot na pigurang zero (0) na nangangahulugang “infinite” at puwede ring sabihing pera o salapi dahil ang “0” ay sumisimbolo ng “bilog” na kahugis ng salapi o perang barya.
Ibig sabihin, kung napakatagal mo nang naghihintay at hindi ka pa yumayaman, maaaring sa taong ito ay magugulat ka pa, bigla kang yayaman at hindi lang basta mayaman kundi ubod nang yaman.
Samantala, sa usaping pigurang zero, bagama’t hindi matulduk-tuldukan at patuloy ang debate ng mga philosophers kung ang numerong 0 ay simula o wakas ng bawat pangyayari o bilang, maituturing na ngayong taong ito ng 2020, mahiwaga at sobrang magagara ang idudulot na pangyayari sa kapalaran at buhay ng bawat tao at ng ating bansa.
Paano naman nasabing hindi pa rin maunawaan o hindi pa rin matapus-tapos ang debate ng mga philosophers kung ang 0 ay simula o wakas? Dahil nangyari, kung iisipin mong mabuti at tatagalugin ang salitang zero, ito ay nangangahulugang “wala”.
Kung wala ang ibig sabihin ng zero, maitatanong mo kung saan ito nagsimula? Maaaring ang “wala” ay siya ngang katapusan ng bawat bilang at pangyayari, pero mapapaisip ka kung ang one (1) ay una o simula?
Matatanong mo, saan ba nanggaling ang numerong one o ang simula?
Siyempre, nagsimula ang lahat ng ito sa zero coordinate or “origin”.
Kaya tulad ng nasabi na, ang dalawang zero sa taong 2020 ay sadyang magbibigay ng kakaiba at napakagarang kapalaran sa bawat nilalang, lalo na silang isinilang sa petsang ka-affinity o may direktang relasyon sa numerong 2 o 2020, tulad nilang may birth date o may mga destiny number na 7, 16, 25, 4, 13, 22, 31, 1, 10, 19, 28, 8, 17 at 26.
Kung ano ang mangyayaring kapalaran ngayong taong ito ng 2020 ng nasabing mga may birth date at may destiny number na nabanggit, gayundin sa may mga birth date na 3, 12, 21, 30, 6, 15, 24, 9, 18, 27, 5, 14 at 23 ay ang patuloy nating tatalakayin at ipaglilingkod sa inyo sa susunod na mga araw. (Itutuloy)




Comments