top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Sen. de Lima, dinedma ang kaso sa DOJ, nakulong tuloy

Pabs Hernandez III
Jan 4, 2020
2 min read

MGA SANGKOT SA PAGPAPAKULONG KAY SEN. DE LIMA, MALAMANG, MA-FREEZE ANG ‘HIDDEN WEALTH’ SA U.S.—Bukod sa travel ban sa Amerika ay tinatalakay na rin ng mga senador sa United States (US) na i-freeze ang mga bank accounts at ari-arian sa Tate ng mga opisyal ng Philippine gov’t. na sangkot sa pagpapakulong kay Sen. Leila de Lima.

‘Yan ang malaking bad news sa mga tropang Duterte na may mga “hidden wealth” sa Tate, boom!

****

KASALANAN DIN NI SEN. DE LIMA KAYA SIYA NAKAKULONG—Walang ibang dapat sisihin sa pagkakakulong ni Sen. De Lima kundi ang sarili niya. Ito ay dahil dinedma lang niya ang mga kasong isinampa sa kanya sa Department of Justice (DOJ) na may kinalaman sa ilegal na droga. At dahil bogus lang daw ang ikinaso sa kanya, hindi siya nag-submit ng counter-affidavit sa DOJ.

Dahil d’yan, gumawa ng resolusyon ang DOJ laban kay Sen. De Lima at kasunod ang warrant of arrest ng Muntinlupa City Regional Trial Court kaya pagkakakulong ang inabot niya.

Kung sinagot lang ng detinadong senadora ang mga alegasyon sa kanya, baka naabsuwelto pa siya o baka bumaba ang kaso at may bail pa siya.

Pero ang siste, nang nasa kulungan na ay saka siya nagkukumahog sa paggawa ng mga mosyon para siya ay makalaya, pero dahil hindi pa tapos ang kaso at no bail pa kaya hanggang ngayon, nasa kalaboso pa rin siya, period!

****

SANA BUKOD SA FAKE NEWS, HUWAG NA RING PATULAN NG MGA PINOY ANG FAKE SURVEYS—Ngayong 2020, sana ay hindi lang fake news ang huwag nang patulan ng mga Pinoy kundi pati ang fake surveys.

Mantakin ninyo, sa inilalabas na survey, ang tataas ng ratings na nakukuha ng mga abusado, inutil at korup na govt. officials, buwisit!

****

RAKET NG MAG-IINANG SMUGGLERS SA CUSTOMS NAMAMAYAGPAG NA NAMAN—Sa pagpasok ng 2020, namayagpag na naman daw ang raket na plastic resins smuggling sa Bureau of Customs ng mag-iinang “Tina U”, “Bebang” at “Gerry”.

Hay naku, akala ng publiko, ngayong 2020 ay matitigil na ang raket ng mga smugglers sa Customs, eh, ang masaklap, tila lalo pang namamayagpag, tsk-tsk-tsk

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page