NBA Emeritus Stern, yumao na
- MC/ATD
- Jan 4, 2020
- 2 min read

Napakatagal na panahong minahal ni David Stern ang basketball, kasabay na rin ng kanyang propesyon bilang isang abogado, napagsasabay niya ang mga trabahong ito noong siya ay malakas pa.
Sa katunayan, siya ang kauna-unahang nagdala ng NBA sa Europa, Asya at iba pang mga lugar sa buong mundo hindi lamang sa buong Estados Unidos ay ginawa niyang global powerhouse ang NBA league.
Naglaan ng 30 taon sa serbisyo ang yumaong si Stern noong Miyerkules sa edad 77 at taguriang ‘NBA’s longest-serving commissioner at isa sa best sa sports history.
Kung hindi dahil kay David Stern, hindi magiging isang matatag na NBA ang naturang liga ngayon. Ayon kay Hall of Famer Michael Jordan, “He guided the league through turbulent times and grew the league into an international phenomenon, creating opportunities that few could have imagined before.”
Nagkaroon si Stern ng brain hemorrhage noong Dis. 12 at sumailalim sa emergency surgery.
Ayon sa ulat ng liga, nalagutan ng hininga si Stern sa tabi ng naulilang misis na si Dianne at buong pamilya.
“The entire basketball community is heartbroken,” ayon sa National Basketball Players Association. “David Stern earned and deserved inclusion in our land of giants.”
Naging aktibo si Stern sa NBA sa halos 2 dekada bago siya naging ika-4 na commissioner noong Peb. 1, 1984.
Nilisan niya ang posisyon noong 2014 — pero tila hindi siya nagretiro dahil nagtatrabaho pa rin siya sa liga at kumita pa ang NBA ng higit sa $5 billion kada taon at naging world’s most popular sport ang NBA, mas una sa soccer.
Dahil kay David, ang NBA ay naging tunay na global brand, siya na rin ang itinuring na ‘greatest sports commissioners of all time,’ at “one of the most influential business leaders of his generation,” ayon kay Adam Silver, na kasunod ni Stern bilang commissioner. “Every member of the NBA family is the beneficiary of David’s vision, generosity and inspiration.”





Comments