top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Mapilit si Garcia na kumasa kay Pacman

Gerard Arce
Jan 4, 2020
2 min read

Naniniwala si Mikey Garcia na ang landas patungo kay 8th-Division World Champion Manny Pacquiao ay nalalapit na at nakahanda siyang maghintay para lamang matuloy ang naunsyaming laban dito.

Sakaling malampasan ng dating four-division champion si Jesse Vargas sa Pebrero 29 sa welterweight clash sa Ford Center sa Star sa Frisco, Texas, maaaring magkaroon ito ng pagkakataon na matupad ang matagal ng inaasam na pangarap na makadaupang-kamao ang 41-anyos na Fighting Senator sa ibabaw ng ring.

“There’s a lot of buzz going around on a potential Manny Pacquiao fight. It’s a fight that’s been brought up for years. Now it’s starting to pick up a lot of steam,” pahayag ni Garcia sa panayam sa kanya ng BoxingScene.com.

“He has obligations in the Philippines government, and I wanted to get a return fight matapos matalo kay Errol Spence Jr . I don’t know if he will be available or not, but I think the second half of 2020 might be ready for both of us to get in the ring. Maybe he gets something before that. By then, I’ll be ready to get back in the ring. I didn’t want to just wait. If I look forward to bigger fights, than the biggest fight for me is Manny Pacquiao.”

Dati ng niluluto ang tapatang Pacquiao at Garcia sa kampo pa lamang noong ng dating boxing promoter ng dalawa na Top Rank ni Bob Arum, ngunit dahil sa hindi pagkaka-unawaaan sa legal na pamamaraan napurnada ang kanilang laban at hindi na ito naganap.

Nito lamang nakalipas na Disyembre ay pumirma ng kontrata ang 32-anyos na si Garcia sa Matchroom boxing promotions ni Eddie Hearn at napangakuan ng mga laban ngayong taon kabilang na ang pagtutulak sa planong labanan ang Pambansang Kamao sa Saudi Arabia.

Bahagyang nakalalamang ang Oxnard, California-native sa tangkad at reach advantage na dati ng naghari sa Featherweight, Super-Feather, Lightweight at Light-Welterweight.

Mataas ang respeto ni Garcia kay Pacquiao dahil alam nito ang kakayahan ng pambansang kamao kahit pa man minsan na itong bumagsak kay Juan Manuel Marquez.

Matatandaang inanunsiyo ng kampo ng World Boxing Association (WBA) welterweight champ na pinagpipilian na lamang kina Mikey Garcia at Danny Garcia sa mga susunod na makakalaban nito, ayon kay MP Promotions president at international matchmaker Sean Gibbons mula sa panayam ng boxing writer na si Michael Benson.

Inaabangan rin kung matutuloy rin ngayong taon ang naka-ambang salpukan ng May-Pac 2 kung saan inanunsiyo na ni undefeated-retired Floyd “Money” Mayweather ang kanyang pagbabalik laban ngayong taon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page