Magsasaka tinodas ng riding-in-tandem
NUEVA ECIJA — Isang magsasaka ang pinagbabaril at napatay ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. Maturanoc, Guimba.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Luciano Rivera, 35-anyos, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, habang tumatawid sa tulay si Rivera ay bigla itong pinagbabaril ng dalawang hindi kilalang lalaki at pagkaraan ay tumakas ang mga suspek lulan ng motorsiklo.
Dinala pa ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang mga suspek.





Comments