Mag-BFF na nagkasira dahil sa pagba-budget ng handa sa Media Noche

Dear Roma, Sumangguni ako sa inyo dahil bago sumapit ang Bagong Taon ay nagpasama ako sa kaibigan ko para bumili ng pandagdag sa Media Noche at sinabi ko rin kung magkano lang ang budget na dapat gastusin.
Nu’ng una, pinakinggan ko ang mga advice niya kung ano ang mga puwede pang idagdag, ngunit katagalan ay napansin ko na mali ang mga sinasabi niya at taliwas sa gusto ko kaya nainis kami sa isa’t isa at hanggang ngayon ay hindi kami nag-uusap. Ano ang dapat kong gawin? – Michelle
Michelle, Mas makabubuti na kausapin mo siya para makipag-ayos dahil sinalubong n'yo ang Bagong Taon nang hindi okay. Ngayon, ikaw naman ang gumawa ng paraan at ‘wag mo nang patagalin ang hidwaan n'yo dahil baka lumala pa ‘yan at masira ang pagkakaibigan n'yo. God bless!





Comments