top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Bigtime pusher huli sa drug-bust

Pabs Hernandez III
Jan 4, 2020
1 min read

QUEZON — Naaresto ang isang bigtime drug pusher sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Cotta, Lucena City.

Ang suspek ay nakilalang si Marco Pielago, 23-anyos, nakatira sa naturang barangay.

Ayon sa ulat, matagal nang pinaghahanap ng mga awtoridad si Pielago dahil sa pagiging bigtime drug pusher nito at kamakalawa lang nagkaroon ng pagkakataon ang pulisya na dakpin ang suspek sa drug-bust operation.

Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng limang gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ni Pielago.

Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page