Kinakawayan ng lalaking taga-Australia, magkaka-BF ng foreigner
Salaminin natin ang panaginip ni Strawberry ng Strawberry_Fieldz@ facebook.com.
Dear Professor, Ganito ang panaginip ko, may lalaking kumakaway sa akin mula sa Australia, tapos ‘yung mundo ay tila naging kasinglaki ng dollhouse at siyempre, mas malaki ako sa dollhouse kaya hiniling ko na lumiit ako para magkasya ako sa mundo na ganu’n kaliit. Nasa amo ko ako, pero hindi ako sigurado kung amo ko sila, basta ang alam ko ay ibang tao sila at may lalaking inirereto sa akin. Nakita ko ‘yung kaibigan ko sa totoong buhay at ang payo niya sa akin ay i-consider ko raw. Sa totoo lang, pakiramdam ko, ang meaning nito ay may ireretong foreigner sa akin, pero siyempre, gusto kong malaman ang interpretasyon ninyo. Maraming salamat!
Naghihintay, Strawberry
Sa iyo Strawberry, Tama ka! Napakahusay mo na pala sa larangan ng dream interpretation. Kayang-kaya mo nang bigyan ng kahulugan ang mga panaginip na isasangguni sa iyo. Dahil dito, binabati kita at may you find happiness in dream analysis so that others will be happy too!
May foreigner na irereto nga sa iyo at dahil dito, may makakarelasyon ka na hindi Pinoy. Marami sa ating mga kababayan ang sinuwerte at gumanda ang buhay dahil sa mga foreigner. Ayon sa iyong panaginip, ikaw ay mapapabilang sa kanila, kaya isa pang congrats ang masasabi ko.
Simple lang naman ang pakikipagrelasyon sa mga foreigner. Sila ay mga tao rin na naghahanap ng kaligayahan at naghahangad na maging bahagi ng buhay nila ang mga tapat, mababait at may malinis at dalisay na personalidad.
Dahil dito, huwag kang tutulad sa iba nating mga kababayan na inisahan lang ang foreigner na karelasyon kung saan ang saya-saya nila sa umpisa, tapos mawawala na lang bigla dahil nakuha na ang gusto nila sa kanilang karelasyon.
Samantala, marami rin sa ating mga kababayan ang nakipagkaibigan lang sa mga dayuhan kung saan mas nagtatagal ang kanilang friendship kaya natutulungan sila ng mga ito sa panahon ng kagipitan.
Kaya ang pakikipag-chat sa kanila ay hindi agad-agad nangangahulugan na sila ay magiging karelasyon dahil mas marami naman sa mga foreigners ang naghahanap ng mga magiging tapat na kaibigan.
Pero sa iyong panaginip, muli, may makakarelasyon kang foreigner, gayundin, huwag mong isipin na sex lang ang gusto niya dahil ayon din sa panaginip mo, siya ay naghahanap ng wagas at tunay na pagmamahal.
Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo





Comments