2010-2019: Isang dekadang may 15 best players sa NBA

Malaki na ang pagbabago sa shooting skills, mula noong 2010 hanggang 2019 sa mga players ng National Basketball Association (NBA). Tila bahagyang nawala sa eksena ang mga nakasanayang mga dambuhalang manlalaro na nagdodomina ng naturang laro – ika nga nila, Height is Might – pero sa panahon ngayon, kapag hindi ka marunong tumira sa perimeter o three-point shots, Olats ka!
Ang henerasyon na ito ay humitik sa matitinik, malulupit at dekalibreng mga manlalaro mula sa iba’t ibang daigdig, ngunit pinamunuan pa rin ito ng mga African-American players sa NBA. Ang pag-angat ng mga talentong manlalaro tulad nina Anthony Davis ng Los Angeles Lakers at Giannis Antetokounnmpo ng Milwaukee Bucks, ang mga premyadong superstars tulad nina Lebron James ng Lakers, Stephen Curry ng Golden State Warriors at Kevin Durant ng Brooklyn Nets ay mga susunod na Hall of Famers tulad nina Kobe Bryant at Dwyane Wade. Bilang pagsasara ng isang dekada sa kasaysayan ng NBA ay nagpalabas ang All-Decade team ng 15 manlalarong maituturing na nagpabago sa laro ng paboritong liga ng buong mundo. Hinati ang 15-players sa tatlong koponan upang mas maanalisa ang kanilang mga posisyon mula sa backcourts hanggang frontcourts.
Ang unang koponan ay may 10 championship rings sa loob ng 10 taon. Maituturing na napakahalaga ng naidulot na pagbabago ni Curry (6 All-Stars at 6 All-NBAs; 23.5 ppg, 4.5 rpgs, 6.6 apg 3 NBA titles) sa takbo ng laro sa NBA sa dumaang dekada, gaya ng kanyang shooting partner na si Klay Thompson na tinaguriang “Splash Brothers” ay sinasabing nagwasak ng mga talaan ng pinakamagaling na 3-point shooter ng dekada at naging 2-time MVP at 3-time champion. Isa pa sa mga nagpasikat ng mga dribbling at pambihirang galaw ay si James Harden (7 All-Stars at 6 All-NBAs) na mula sa pagkakapanalo ng Kia Sixth Man of the Year ay naging MVP, na nagtala ng pinakamaraming 50-point games ngayong dekada.
Ang mabitbit ang Toronto Raptors sa kauna-unahang titulo at maging parte ng proseso ng San Antonio Spurs ang dahilan kaya napasama sa top 5 players si Leonard (3 All-Stars at 3 All-NBAs) na may dalawang Finals MVPs at 2 KIA Defensive Player of the Year awards. Susubukang mas mapatibay pa ni Leonard ang estado niya sa paglipat sa LA Clippers. Ang isa pang two-time finals MVP na si Durant (10 All-Stars at 9 All-NBAs) ay tinitingnang pinakamatinding arsenal ang opensa na nagtala ng decades-best na 28 points gayundin ang 2 titles sa Warriors at isang regular MVP. Ang naging mukha ng liga na si James (10 All-Stars at 10 All-NBAs; 3 NBA titles) ay nakatatlong titulo at decades-best 3 MVPs at nag-iisang manlalaro na nakakapasok sa All-Star taun-taon.
Kabilang sa Second Team sina Chris Paul ng OKC Thunders na may 7 All-Star appearances, sinundan ni Russel Westbrook ng Houston Rockets na may 8 All-Star at All-NBA. Davis na may 6 All-Star at 3 All-NBAs; Blake Griffin ng Detroit Pistons na may 6 All-Stars at 5 All-NBAs at unanimous KIA Rookie of the Year award, habang si Carmelo Anthony ng Portland Trail Blazers ay may 8 All-Stars at 3 All-NBAs. Wala pang nakukuhang kampeonato ang nasa second NBA team.
Kasama sa 3rd team ay dalawang Hall of Famers candidates na sina Wade (8 All-Stars at 4 All-NBAs; (1 noong 2006 NBA titles), naging All-Star MVP noong 2010 at parte ng ‘Big 3’ era sa Miami na nagwagi ng back-to-back title. Nakuha ni Bryant (7 All-Stars at 4 All-NBAs ang 1 (2010) NBA titles; hindi kabilang iyong kampeonato kasama si Shaq) ang kanyang Finals MVP at apat na sunod na All-NBA first team title. Itinuturing na isa sa mga nanatiling manlalaro sa Lakers ng 20 seasons hanggang sa magretiro noong 2016 na may 5 championship title, 2 Finals MVP, isang season MVP, 2 gold medal sa Olympics 2008 at 2012). Si Paul George (6 All-Stars at 5 All-NBAs; LaMarcus Aldridge (7 All-Stars at 5 All-NBAs ng San Antonio Spurs at Antetokounmpo (3 All-Stars at 3 All-NBAs ay may isang KIA MVP nitong 2019 season.





Comments