Hindi makatutuluyan ang BF kahit palaging nakaka-sex at nangako ng kasal
- Maestro Honorio Ong
- Jan 2, 2020
- 2 min read
Maestro Honorio Ong
Katanungan
Makakatuluyan ko ba ang boyfriend ko? Madalas na may nangyayari sa amin at kahit anong iwas ang gawin ko ay hindi ko talaga magawa. Minsan, natatakot din akong baka mabuntis ako, pero sinabi niya na kapag nabuntis ako, pakakasalan niya ako.
Maestro, ano sa palagay n’yo, tototohanin kaya ng boyfriend ko ang kanyang pangako na pakakasalan niya ako at magsasama kami habambuhay sa itatayo naming pamilya?
Kasagutan
Naku, Nids, dapat ay dumistansiya ka muna nang bahagya sa boyfriend mo sapagkat may babala na hindi kayo ang magkakatuluyan, lalo na kung siya ang first meaningful at long engagement mo. Ito ang nais ipahiwatig ng ikalawang mas malinaw, makapal at mahabang Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow b.) na madali namang kinumpirma ng naputol na parang nabiyak na nagkabilog na Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda ng matindi-tindi ring kabiguan ang nakatakda mong maranasan sa unang pag-ibig at pakikipagrelasyon.
Sa madaling salita, kung sa tanang buhay mo ay hindi ka pa nabibigo sa pag-ibig, may posibilidad na sa kasalukuyan mong boyfriend magaganap ang pagkasiphayo at matinding kalungkutang nais ipahayag ng pumangit na Heart Line (h-h arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad. Pero pagkatapos mawindang ang iyong puso, ang ikalawang mas magandang Marriage Line (2-M arrow b.) at naayos at gumanda ring Heart Line (h-h arrow d.) sa gitna hanggang sa dulong bahagi ng kaliwa at kanan mong palad ang masusunod na nagsasabing, sa ikalawang mas meaningful at masayang pakikipagrelasyon hatid ng lalaking isinilang sa zodiac sign na Virgo, mararanasan mo ang maligaya at panghabambuhay na pag-ibig.
Mga Dapat Gawin
Nids, hinay-hinay lang sa pagbibigay ng iyong katawan at tiwala sa kasalukuyan mong boyfriend upang sa sandaling nauwi sa wala at pagtatalusira ang kasalukuyan n'yong relasyon ay hindi ka gaanong lumuha at masaktan na tinatayang magaganap ang inyong paghihiwalay sa kasalukuyang taong 2020.
Ngunit, kahit magkalabuan at magkahiwalay kayo ng kasalukuyan mong boyfriend, hindi ka dapat malungkot at labis na manghinayang dahil ayon sa iyong mga datos, sa ikalawang pag-ibig at pakikipagrelasyon na darating sa 2021 sa edad mong 23 pataas, nakatakda na ang mangyayari, matiwasay at wagas na pakikipagrelasyon na hahantong sa maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.




Comments