Search
  • BULGAR

2020 Bar examinations, hindi magaganap ng mas maaga sa Pebrero 2021

ni Twincle Esquierdo - @News | June 30, 2020



Sinabi ng Korte Suprema dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay binago ang iskedyul Bar Exam sa susunod na taon.

Batay sa sinabi ni Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen ang 2020 Bar examinations ay hindi magaganap sa mas maaga ng Pebrero 2021.

Ayon kay Leonen “Due to the increasing number of Covid 19 cases, the prevailing community quarantine protocols all over the nation, and the continuing uncertainty, the Supreme Court en banc, upon the recommendation of the 2020 Bar examinations chairperson, resolved to announce the schedule of the next Bar examinations to a later date to allow time for a more considered deliberation,”

Ginanap ang exam apat na beses sa magkakasunod na linggo nu’ug Nobyembre 2019 sa Unibersidad ng Santo Tomas sa Maynila at lumabas ang resulta noong Abril at Mayo 2020.

Ayon sa Korte Suprema mayroong dalawang lugar kung saan puwedeng mag Bar exam ito ay sa Maynila at Cebu City.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.