Misis, pinagtripan… Dingdong, kinunan ng picture si Marian habang galit, ikinalat sa socmed
- Vinia Vivar
- Dec 31, 2019
- 1 min read

Photo: @dongdantes
Kahapon (Dec. 30) ay ipinagdiwang nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang kanilang 5th anniversary sa Dakak kasama ang kanilang dalawang anak na sina Zia at Ziggy.
Ang sweet ng message ni Dingdong sa asawa, pati na rin ang mga larawan nila na ipinost niya sa kanyang Instagram account.
“For as long as we remain solid (like our commitment to cliche poses), we will weather any storm. Happy to be jumping off dangerous cliffs with you for these past 5 years, my love. Lumundag pa tayo,” ang anniversary greetings ni Dong sa asawa.
Ilang araw na ring nasa Dakak ang Dantes family and in fact, pinagpipistahan na nga ang kanilang mga posts araw-araw. Isa sa talaga namang pinag-usapan ay ang post ni Marian na nasa dagat at naka-swimsuit dahil pagkaganda-ganda ng aktres at sobrang hot.
Ang dami ring “likes” ng post ni Dong na larawan ni Zia na naka-Hawaiian costume at tila nagsasayaw.
May post din si Dong na larawan ni Marian in a swimsuit na naka-side view at tila galit. Caption niya, “My wife’s tampururot look. Amazing!”
Pero kahit “tampururot look” man ‘yun, pagkaganda-ganda pa rin ni Marian.
For sure ay sasalubungin nina Dingdong at Marian ang pagtatapos ng dekada nang masaya dahil na rin sa dami ng blessings nila na dumating not only this year kundi sa nakaraang 10 taon. Siyempre, the biggest blessings ay ang pagiging mag-asawa nila at pagkakaroon ng dalawang pagkaku-cute na mga anak.





Comments