top of page

Kahit humakot ng awards… Movie nina Juday at Yeng, tinanggalan ng sinehan, inilipat kay Aga

  • Ador Saluta
  • Dec 31, 2019
  • 3 min read

As of December 29 (Sunday), naglalabanan pa rin sa pagiging top grosser ang dalawang MMFF entries — ang Miracle in Cell No.7 na pinag­bibidahan ni Aga Muhlach at ang The Mall, The Merrier ng It’s Showtime host na si Vice Ganda.

Sadly, walang miracle sa dalawang pelikulang hu­makot ng awards sa Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival.

Ang Mindanao nina Judy Ann Santos at Allen Di­zon at Write About Love nina Miles Ocampo, Rocco Na­cino, Yeng Constantino at Joem Bascon ang naghari sa awards night. Si Juday ang tinanghal na Best Actress at si Allen ang Best Actor para sa Mindanao, habang sina Yeng at Joem ang tinanghal na Best Supporting Actress at Best Supporting Actor para sa WAL.

Sa kanilang acceptance speech after winning, hiling ni Juday at ng kanyang direktor na si Direk Brillante “Dante” Mendoza na sana’y madagdagan pa ng mga sinehan ang kanilang pelikulang Mindanao pagkatapos ng awards night. Maging si Joem ay ganito rin ang pakiusap sa mga theater owners, ang dagdagan ang kanilang sinehan.

Hindi natupad ang kanilang hiling dahil hanggang ni­tong Linggo, limitado pa rin ang bilang ng mga sinehan na pinagtatanghalan ng Mindanao at WAL kahit pa sila’y humakot ng tropeo sa Gabi ng Parangal ng 45th MMFF na ginanap sa New Frontier Theater last December 27.

Ayon pa sa aming source, pinull-out na sa malalaking malls ang pelikulang Mindanao at Write About Love. Ito ay base sa mga website ng SM Cinemas, Robinson’s Mo­vie­world, Gateway Cineplex, Greenhills Cinemas, Powerplant Mall Cinemas at Ayala Malls na tiningnan ng PEP (Cabinet Files) nitong nakaraang Linggo (Dec. 29). Kumbaga, dag­dag-bawas ang mga sinehan — dagdag-sinehan sa pinipi­lahan at bawas naman sa mga wa’ ‘wentang panoorin.

Pasalamat ang co-producer ng Miracle in Cell No. 7 na si Aga dahil nagkaroon ng extra pang sinehan ang movie nila na isang Korean adaptation at patuloy itong dinudumog ng manonood.

Kung nadagdagan ang sinehan ng Miracle, naba­wasan naman ng sinehan ang dalawa sa bottom 4 entries ng MMFF 2019.

Isa itong milagro dahil kung alin ang pelikulang hindi nabigyan ng awards sa Gabi ng Parangal, ito ang patuloy na tinatangkilik at idineklara bilang People’s Choice.

Tuloy, ang sabi ng madlang pipol, ‘malas’ ang mga awards na ipinagkakaloob ng MMFF. Kung sino ‘yung wa­lang award, ito ang pinipilahan. Alam siguro ng kara­mihan na ang awards ng MMFF ay isang pampalubag-loob lang sa mga hinuhulaang mangungulelat sa takilya.

Ganito ang sinapit ng pelikula ni Aga, naging word-of-mouth dahil sa walang-prenong iyakan sa loob ng movie theater na kahit pusong-bato ay maaantig sa mga eksenang may suntok sa puso.

Prayers do ‘miracle’, ‘di ba, Manay Ethel (Ramos, manager ni Aga) na halos lahat ng simbahang madaanan ay hihintuan para makapag-alay lang ng prayers. Balitang nag-Baclaran pa si Manay para sa pelikula ng kanyang alaga at dininig siya ng Panginoon.

Balita ring masusundan ang pagpoprodyus ni Aga ng ilang pelikula dahil sa inspirasyong dulot ng tagumpay ng Miracle in Cell No. 7.

Kung disappointed ang mga netizens dahil hindi nai­palabas ang Mindanao at Write About Love at puro peli­kula na lang ni Aga ang nasa sinehan ng mga malls, pi­napayuhang bisitahin muna nila ang website ng mga mo­vie houses dahil nakalagay dito ang kumpletong schedule at lugar na pinagtatanghalan ng nais nilang panoorin, para makatipid din sila sa oras at hindi madismaya.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page