Hiwalayan kay James, after kumalat… Nadine, ipinagsigawang nawala ang lahat ng pag-ibig!
- Julie Bonifacio
- Dec 31, 2019
- 2 min read

Matataray ang reaksiyon ng mga netizens sa comments section ng BULGAR online sa na-headline kahapon tungkol kay Nadine Lustre hinggil sa diumano’y hiwalayan nila ng kalabtim at boyfriend niyang si James Reid.
Ito ang sabi ni Che Malate, “Napakalabong magpakamatay si Nads kasi ‘di naman s’ya iiwan ni James at kung sakaling iwanan s’ya ni James, nakahanda na s’ya, at si James ang mawawalan hindi si Nadine, hmm. At saka malabong maghiwalay ang JaDine kasi love ni James si Nadine ko.”
Mula naman kay Jhust Mine, “Do it, do it... ‘Di ‘yung puro salita... Papansin lang.... Wala na bang ibang magandang balita... Hmmmmm....”
Meron namang nagsabing, “Pikot ‘yan, hehe.”
Ayon naman sa comment ni Kenshin Patriarca, nasa Cebu na raw si James.
“Oh, nasa Cebu na si James ngayon, buhay pa naman si Nadine!!! Hindi po magandang joke ang suicide, daming nagmamahal kay Nadine, ‘di niya gagawin ‘yan ‘coz she knows that life is beautiful!!! Why not pray for everyone’s happiness instead of spreading negativity???”
Sinilip din namin ang Instagram account ni Nadine. Nakaka-bother ang huling post na picture ng aktres sa kanyang IG account.
Naka-black and white kasi ang photo kung saan nakatayo si Nadine sa tabi ng glass window, overlooking ang view ng mailaw na siyudad. Sa ibaba ng picture ay may caption na ganito: “For good reason, lost all of my love.”
Matalinghaga ang caption ni Nadine. We wonder kung ano or sino ang tinutukoy ni Nadine on her caption. May kinalaman kaya rito ang napabalitang madalas na pag-aaway nila ni James?
At ano naman kaya ang ginagawa ni James sa Cebu? Kasama niya kaya si Nadine?
Inulan naman ng heart emoji ang comment section ng post na ‘to ni Nadine habang may nagyaya na follower niya na magpunta sila sa Boracay.
Pero comment ni Hyperaktib, “Haaaayy nako, malala na tuu, haha.”
Well, we just wish everything’s okay with Nadine at bongga ang pagpasok ng 2020 sa kanyang career and personal life.





Comments