After mag-hit ang MMFF entry niya… Aga, gustung-gustong makasama si Robin sa movie
Nitz Miralles / Bida

Photo: @robinhoodpadilla (right)
Labis ang pasasalamat ni Aga Muhlach kay Robin Padilla dahil sa pagpo-post nito ng kanyang opinyon na baka kaya hindi siya nanalong Best Actor sa MMFF ay dahil adaptation ang Miracle in Cell No. 7 na pinagbidahan niya. Baka raw hindi lumusot sa criteria ng mga jurors at dagdag na sabi ni Robin, marami pang award-giving bodies at puwedeng du’n ay manalo na si Aga.
Payo pa ni Binoe, ipagdiwang daw muna niya ang pagiging box office hit ng Miracle in Ce
ll No. 7, tutal, alam naman ng lahat na Best Actor of all time si Aga.
Sagot ni Aga: “@robinpadilla kapatid! Maraming salamat for your kind words. Please allow me to use your space para pasalamatan ang lahat ng sumuporta sa pelikulang Miracle in Cell No. 7. Maraming salamat po sa inyong lahat. Please allow me also to congratulate the movie Mindanao for all the awards they got. They are all deserving of these.
“Masaya ako para sa tagumpay ng bawat sino man sa ‘tin sa industriya ng pelikulang Pilipino. We do films because we love our jobs bilang artista at kung tayong lahat ay mabigyan ng papuri ay isang malaking karangalan na.
“Sa lahat ng kalahok na pelikula sa MMFF 2019, isang napakalaking karangalan para sa ‘kin na makasama ko kayo at mapabilang sa hanay ninyo. Mabuhay kayo! Mabuhay ang pelikulang Pilipino! Mahal ko kayong lahat at alam n’yo ‘yan.
“Pare ko, sana magkasama na tayo sa isang pelikula! Isang pangarap! Thank you again, Kapatid at salamat sa inyong lahat. Love and respect to all my peers and sa lahat ng ating kababayan.”





Comments