top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Ex-GF na nakatikiman uli, pararausan lang; guy, babalik pa rin sa tunay na pamilya

Maestro Honorio Ong
Dec 30, 2019
3 min read

Maestro Honorio Ong

Katanungan

  1. May ex-GF ako sa aming probinsiya, pero hindi kami nagkatuluyan dahil mga bata at inosente pa kami, pero noon pa man, siya na talaga ang gusto kong mapangasawa, kaya lang, wala kaming nagawa nang paglayuin kami ng tadhana noong nag-abroad siya. Mula noon, tinanggap ko na lang na hindi talaga kami para sa isa’t isa.

  2. Pagkalipas ng maraming taon, bigla akong nakatanggap ng friend request sa FB at nang tingnan ko ang pangalan, nagulat ako dahil pangalan ‘yun ng ex ko. Nang makita ko ‘yun, tuwang-tuwa ako kaya wala akong sinayang na pagkakataon. Kinumusta ko siya at nag-chat kami. Muling nabuhay ang sigla ko sa bawat araw dahil naging magkaibigan na ulit kami at nagpasya kaming magkita. Nang magkita kami, alam ko na may gusto pa rin ako sa kanya at ganu'n din siya sa akin. Kaya lang, ang masakit ay pareho na kaming may asawa at pamilya. Gayunman, paminsan-minsan ay palihim pa rin kaming nagkikita.

  3. Gusto kong malaman kung sadya bang nakaguhit sa palad namin na muli kaming pagtatagpuin ng tadhana? Minsan, natatakot din ako na baka mabisto ng mga asawa namin ang aming ginagawa. Kailangan ko ng advice para magkaroon ako ng peace of mind at sana, matingnan n'yo nang personal ang guhit ng aking mga palad. Masasabi kong may happy family kami ng asawa ko dahil mabait siya at maasikaso sa aming mga anak.

Kasagutan

  1. Hindi ka dapat kabahan at wala kang dapat ipag-alala dahil anuman ang namamagitan sa inyong dalawa ng teenage sweetheart mo, hindi masisira ang inyong mga pamilya sapagkat kung noong panahong pinaglayo kayo ng tadhana, wala kayong nagawa, mauulit lang ang mga pangyayari — muli kayong pagtatagpuin ng tadhana at wala rin kayong magagawa para tanggihan ito.

  2. ‘Yan ang kinalabasan ng pag-aanalisa dahil kapansin-pansing nanatiling matino, buo, tuwid at maganda ang kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na kahit magkatikiman kayo at paulit-ulit na magparaos ng sarap at ligaya ng ex mo, walang duda, mananatili pa rin ang dati mo nang ugali na mabait at tapat sa asawa, kaya anuman ang mangyari, makakaya mo pa rin siyang iwasan.

  3. Ang ikinaganda pa nito ay ganu'n din siya, mananatili ang pagiging mabait niyang ina at ulirang misis sa kanyang mister kaya kapag nagpaalam na kayo sa isa’t isa, masaya kayong babalik sa kani-kanyang pamilya. Tulad ng inaasahan, ‘yun ang nakatakda — ang saglit na ugnayan upang mairaos n'yo ang naunsiyaming suyuan at pagmamahalan n'yo sa isa’t isa —at kapag nairaos na ulit nang palihim ang sarap at romansa na hindi n’yo nagawa noon, kapwa babalik sa katinuan ang isip ninyo kaya pipiliin ninyong manatili sa orihinal n’yong mga pamilya habambuhay.

Mga Dapat Gawin

  1. Minsan, ang relasyong bawal ay napag-uusapan dahil kung kapwa kayo pinalaki ng inyong mga magulang sa mabuting kaasalan at ikaw naman ay ganundin na may mataas na pananaw sa moralidad, kahit gumawa ka ng kalokohan, hindi mo pipiliing sirain at wasakin ang iniingatan mong pamilya. Kaya naman nakatutuwa kung ganu'n din ang pananaw ng babae o lalaking lihim mong nakarelasyon, kahit may asawa at pamilya siya, nangangako rin siya nang mahigpit sa kanyang sarili na gaanuman kalalim ang inyong ugnayan, hindi niya sisirain ang kanilang pamilya.

  2. Habang, ayon sa iyong mga datos, Mr. Black Berry, matapos ang isa, dalawa, tatlo o higit pang palihim n'yong pagkikita at matapos ninyong mairaos ang naunsiyaming pagmamahalan at init ng katawan, darating ang panahon na maglulubay kayo. Minsan pa, kapag ganu’n ang nangyari, magpapasya na rin kayo na pigilan ang inyong sarili para sa inyong pamilya para maibalik ang sitwasyon sa ideal family na tinitingnan ng lipunang inyong ginagalawan. Kapag nangyari ito, kapwa kayo magkakaroon ng simple, maligaya at panghabambuhay na pamilya.

  3. Samantala, kapag nangyari na ‘yun, babalik ang inyong buhay sa inyong masayang pamilya. At sa inyong pag-iisa sa umaga habang nagkakape sa terahe, sasagi na lamang sa inyong alaala ang minsang kasalanan na inyong nagawa, subalit, batid ninyong kailanman ay hindi na mauulit pa sapagkat ang mga nakaw na sandali na masarap at maligaya ay lumipas at tapos na (Drawing A. at B. h-h arrow b.).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page