top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Pagpapatawa niya, inismol… Sigaw ni Pokwang: Kung hindi ako nakakatawa, huwag kayong manood!

Julie Bonifacio
Dec 29, 2019
2 min read

Nanggigigil si Pokwang nu’ng kunan ng reaksiyon hinggil sa mga netizens na nang-aaway sa kanya online.

“Ah, ayan ‘yung mga walang maga­wang tuors (tao). ‘Yung mga papansin na ano, eh, patol ako ngayon, ‘no?” pataray na sabi ni Pokwang nang makausap namin sa black premiere night ng Culion.

Sinamahan ni Pokwang ang kanyang partner at ama ng baby niyang si Malia na si Lee O’Brian na isa sa main cast ng Culion.

Aniya, “Huwag ako, ‘day! Tatapusin ko ang 2019 na bubuwisitin ko sila. Hahaha!”

Hindi niya raw gusto ang ginagawa sa kanya ng ibang netizens.

“First of all, ang hirap-hirap maging komedyante. Hindi ko sinasabi na ‘yung mga dramatic actors natin ay balewala. Para sa akin, para sa karamihan, mahirap mag­pa­saya ng tao. And ‘yung nagpapasaya ka na hindi mo alam ang pinagdaraanan namin pero pinapasaya kayo, ‘di ba? ‘Yun lang ‘yun, eh. Huwag masyadong anoooow,” paga­lit at seryosong sabi ni Pokwang.

“Kung matatapang kayo at nakita ninyo ako ngayon, pagsasasampalin ninyo ako, ‘di ba?”

Mensahe pa ni Pokwang, hindi dapat maliitin ang trabaho ng mga komedyante.

Aniya, “Huwag ninyong minamaliit ang trabaho namin. Kung hindi ako nakaka­tawa, huwag kayong manood! ‘Yun lang ‘yun, ‘di ba? Nanggigigil ako, eh. Hindi naman nakakatulong sa industriya.”

On a lighter note, happy naman sina Pokie at Papa Lee dahil sa unang pagka­kataon ay may back-to-back movie sila sa Metro Manila Film Festival.

Si Pokwang ay kasa­ma sa Mission Unsta­pabol: The Don Identity habang si Lee ay sa Culion.

“Happy si­yem­pre… #filinvest, hahaha! Oo, para masaya,‘noh! Mag­kaiba naman ‘yung klase ng movie na ino-offer namin, eh. Sa amin kasi is action-comedy, sa kanila naman is ano, dra­ma-historical.”

Say naman ni Papa Lee, “Sobrang masaya kasi dala­wang movies sa same festival. And dala­wang magagan­dang pelikula ang makikita nila.”

In fairness kay Papa Lee, huh, may alam na si­yang Tagalog words. Muk­­hang nakapag­desisyon na si Papa Lee to stay sa ‘Pinas sa piling ng magan­da at maha­bang hair na si Pok­wang, and of course, with Malia.

Paglaki raw ni Malia, saka nila ipa­papanood pareho ang Culion at Mission: Unstapabol. At kaya rin daw ‘di nila kasama ang anak that night ay dahil launch din ng YouTube channel nito.

Oh, ‘di ba?

“Sobrang busy siya,” natatawa at proud na sabi pa ni Papa Lee.

May maganda namang balita si Pokie sa mga fans nila ni Papa Lee. After ng first team-up nila sa pelikulang Edsa Wood­worth, may iniluluto raw na movie project ang Star Cinema para sa kani­lang dalawa.

Bongga!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page