Mansanas at ubas, tinuturukan ng pampatamis para hindi agad mabulok
- Twincle Esquierdo
- Dec 29, 2019
- 2 min read

Mula pagkabata, tayo ay sinasabihan na ng ating mga guro at magulang na kumain ng prutas dahil ito ay makatutulong para maging malusog ang ating katawan. Ngunit, paano kung ito pa pala ang makapagpapahamak sa ating kalusugan at magiging dahilan para magkaroon tayo ng sakit?
Gayunman, alam n’yo ba na nakababahala ang ilang paraan ng mga nagtitinda ng prutas para makabenta at hindi malugi? Alamin natin kung paano nila ginagawa ito.
Ngayong nalalapit na ang Bagong Taon, siguradong bibili tayo ng mga prutas na bilog tulad ng ubas, dalandan, pakwan at kung anu-ano pa dahil base sa paniniwala ng mga nakatatanda, suwerte ito tuwing sasapit ang Bagong Taon.
Ngunit, alam n’yo ba na ang ilan sa mga prutas na inilalako ay tinuturukan ng pampatamis ng mga nagtitinda nito?
Maraming prutas ang tumutubo sa Pilipinas tulad ng durian, saging, mangga, pinya at papaya, ngunit ang mansanas at ubas ay hindi tumutubo rito dahil ito ay tumutubo lang sa lugar na may malamig na klima kaya inaangkat pa ang mga ito mula sa ibang bansa.
Kadalasan, ang mga prutas na ito ay may kamahalan kaya hindi na binibili ng karamihan para makatipid at ma-budget nang maayos ang kanilang pera kaya ang nangyayari, hindi ito nabibili at nabubulok na lang na nauuwi sa pagkalugi ng mga vendor.
Pero nakagawa ng paraan ang ilang nagtitinda nito para magmukha itong fresh sa pamamagitan ng pagtuturok ng pampatamis saka tatakpan ng sticker ang parte ng prutas na tinurukan. At dahil natatakpan ng sticker ang marka ng injection, hindi ito napapansin ng mga mamimili.
Mga besh, hindi natin alam kung anong klaseng pampatamis ang itinurok nila at kung may halo pa itong kemikal. Dahil dito, maging magaling tayo sa pamimili ng mga prutas upang makasiguradong safe ang ating kakainin. Gets mo?





Comments