Kalat na, after 7 yrs… Vice, taob na, movie ni Aga, no. 1 sa MMFF
- Janice DS Navida
- Dec 29, 2019
- 2 min read

Malaking milagro ang ginawa sa takilya ng Metro Manila Film Festival entry ni Aga Muhlach na Miracle in Cell No. 7 na produced ng Viva Films.
Sa first day pa lang ng filmfest nu’ng December 25 at hanggang kahapon, heard from sources na sold-out ang mga sinehang pinagpapalabasan ng drama-comedy film ni Aga.
Kaya naman tuwang-tuwa ang magaling na aktor dahil bukod sa lakas sa takilya ng pelikula, puro positive reviews din ang naririnig niya mula sa mga nakapanood nito.
Kaya rin nakapagtatakang ni isang award ay walang naiuwi ang Miracle in Cell No. 7 sa ginanap na MMFF Awards Night nu’ng Biyernes. Male Star of the Night lang ang award na ibinigay kay Aga na kumbaga, tamang pampalubag-loob, ha?!
Pero sa totoo lang, wala namang dapat ikalungkot si Aga dahil ang mga mismong manonood na ang nagsasalita na napakaganda ng movie niya at well-deserving siya para maging Best Actor sana.
Kaso nga, may jurors ang MMFF at mahirap namang kuwestiyunin ang standard nila kung bakit hindi man lang nila napansin ang lutang na lutang na galing ni Aga sa movie, maging ng lahat ng bumubuo sa cast.
But, heto ang latest, bagama’t wala pang inilalabas na official gross ang MMFF committee ng 8 entries dahil bawal ito at ‘yun ay according sa ruling, may mga cinema insiders umanong nagpapatunay na mas malakas ang benta ng ticket ng Miracle in Cell No. 7 kesa sa The Mall, The Merrier movie nina Vice Ganda at Anne Curtis.
So, this only means na nataob na raw ng movie ni Aga ang comedy film ni Vice na nasa No. 1 slot.
At kung magtutuluy-tuloy pa ang by word of mouth publicity ng Miracle in Cell No. 7, hindi talaga kataka-taka na ito ang tanghaling highest grossing film ng festival.
Naku, ha? Ano kaya’ng masasabi ni Vice na after 7 consecutive years na naghahari siya sa MMFF, may tumaob na sa kanya?
Hmmm, tiyak na maraming nag-aabang sa magiging sagot ni Vice Ganda.








Comments