top of page
Korina Sanchez-Roxas - IG.jpg

Juday, Best Actress sa MMFF… Allen, Best Actor; Aga, male star of the night lang

  • Erlinda Rapadas
  • Dec 29, 2019
  • 2 min read

Photo By: Miro Posadas

Star-studded ang ginanap na 45th MMFF Awards Night na idinaos sa New Frontier Theater (da­ting Kia Theater) sa Araneta Center, Cubao noong Biyernes. Maa­gang dumating ang mga guest performers at nominees sa bawat kategorya, kaya ma­aga ring nakapag­simula ng programa.

Tumayong mga hosts sa awards night sina Bela Padilla at Marco Gumabao. Masaya ang opening production number sa saliw ng Manila! Manila, cho­reographed by Geleen Eugenio. Mabilis ang phasing ng awarding at hindi nainip ang mga na­nood.

Ang pelikulang Mindanao ay humakot ng technical, special at major awards. Ito rin ang nanalong Best Float, Gender Sensitivity Award, Best Child Per­former, Best Sound at Best Visual Effects.

Ang Mindanao movie rin ang pinagkalooban ng Special Awards, ang Gatpuno Antonio Villegas Cultural Award at FPJ Memorial Award for Excellence.

Ang mga lead stars naman nitong sina Allen Dizon at Judy Ann Santos ang itinanghal na Best Actor at Best Actress, respectively, habang Best Director naman si Brillante Mendoza.

Sa dami ng awards na tinanggap ng Mindanao mo­­­vie, inaasahang madaragdagan ang kanilang mga sinehan at tataas ang box office results nito. Tiyak na maku-curious ang mga moviegoers kung gaano ka­ganda ang pelikula at gaano kahusay ang mga artis­tang nagsiganap upang talunin ang mga kalabang mo­vie nina Vic Sotto, Vice Ganda at Coco Martin.

May pakiusap din ang festival Best Actress na si Ju­dy Ann na sana naman, madagdagan ang mga sine­hang pinagpapalabasan ng Mindanao.

Big surprise ang pagkakamit ng awards ng peli­kulang Write About Love na pinagbi­bidahan nina Roc­co Nacino, Miles Ocampo, Joem Bascon at Yeng Cons­tantino. Si Joem ang iti­nanghal na Best Supporting Actor at si Yeng ang na­nalong Best Supporting Actress. Na­kamit din ng Write About Love ang Special Jury Prize for Full Length Film, Second Best Picture at Best Screenplay.

Walang ingay at kulang sa publicities ang Write About Love, kaya hindi inasahan ng lahat na hahakot din ito ng technical at major awards.

Maging ang pelikulang Sunod na 3rd Best Picture at nanalong Best Cinematography ay isang malaking sor­presa sa lahat.

Samantala, hindi naman nakadalo sa Awards Night ang mga Hall of Fame Best Actresses na sina Nora Au­­nor, Vilma Santos-Recto at Maricel Soriano. Ta­nging si Amy Austria ang personal na tumanggap ng kanyang Hall of Fame trophy. Si Meryll Soriano naman ang representative ni Maricel at bumasa ng thank you speech nito.

Ang veteran scriptwriter na si Ricky Lee ang kumata­wan sa Superstar at kumuha ng award nito.

Sa tatlong Hall of Famers sa Best Actor category, ang dumating ay sina Christopher de Leon at Cesar Montano.

Wala rin ang Hall of Fame Best Supporting Actress na si Eugene Domingo.

Itinanghal na Female and Male Star of the Night sina Carmina Villarroel at Aga Muhlach.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page