top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

BF na hindi sweet at dedma lang, hindi makakatuluyan, oks lang dahil may iba pang darating

Maestro Honorio Ong
Dec 29, 2019
2 min read

Maestro Honorio Ong

Katanungan

  1. Seaman ang boyfriend ko kaya itatanong ko lang kung kami na kaya ang magkakatuluyan? Ang problema, four years na siyang nagbabarko at kapag umuuwi siya rito, isa o dalawang beses lang siya kung dumalaw sa bahay, tapos bigla ko na lang mababalitaan na sumakay na ulit siya ng barko.

  2. Bakit kaya siya ganu’n, parang hindi siya seryoso at parang binabalewala lang niya ang relasyon namin? Iniisip ko na baka may iba pa siyang girlfriend bukod sa akin.

  3. Ano sa palagay mo, Maestro, kami na kaya ang magkakatuluyan o may ibang lalaking darating at higit sa pagmamahal niya ang ipagkakaloob sa akin?

Kasagutan

  1. Malabo kayong magkatuluyan ng boyfriend mo sapagkat ang Guhit ng Pakikipag-Boyfriend (Drawing A. at B. B-B arrow a.) na hindi masyadong intimate o malalim sa Guhit ng Totoong Boyfriend na sobrang close at nagmamahalan ang magkasintahan na sa bandang huli ay magiging Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow b.) na rin.

  2. Ganito ang nakasulat sa iyong palad, ang pakikipag-boyfriend sa kasalukuyan ay Guhit lamang ng Panandaliang Relasyon (Drawing A. at B. f-f arrow a.) na kahit sabihin mo pang matagal na kayo, walang malalim na ugnayang nabuo o namagitan sa inyong dalawa.

  3. Dahil dito at dahil binabalewala ka niya kaya nababalewala na rin ang inyong relasyon, sa bandang huli ay mawawala rin ang ugnayan n'yo sa isa’t isa dahil hindi n’yo ito pinahahalagahan.

  4. Tulad ng naipaliwanag na, sa malapit na hinaharap, hindi na mapipigilan ang paghihiwalay ninyo at paglipas ng ilang taon, kusang darating sa buhay mo ang lalaking karapat-dapat sa iyong pagmamahal na sadyang iginuhit sa kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay nagbabadya ng totohanan at seryosong relasyon na may kaakibat ng wagas at panghabambuhay na pag-iibigang hahantong sa maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.

Mga Dapat Gawin

  1. Sabi nga, kung ano ang mga bagay na sadyang pinahahalagahan at prayoridad mo sa buhay, sa bandang huli, ang mga pinahahalagahan mong ito ang mananatili at matitira sa iyo at ‘yung mga bagay na hindi mo pinahahalagahan, binabalewala mo lamang, maging ito man ay mga kapwa mo tao na hindi mo na nga binibigyang-pansin pa, at the end of the day, ‘wag kang mabibigla, kusa na rin silang mawawala.

  2. Sa pag-ibig ay ganundin. Kung may tao na nagmamahal sa iyo, dapat pahalagahan mo siya dahil may nagmamalasakit at nagmamahal sa iyo.

Sa ganu’ng pamantayan, kapag palagi mong pinahahalagahan ang mga bagay, (anuman ‘yun) at mga taong dumarating sa buhay mo, darating ang panahong pahahalagahan ka rin ng kapalaran at tadhana — bibigyan ka ng langit ng mas maganda at marami pang mga biyaya at pagpapala.

3. Ayon sa iyong mga datos, Angelica, sa pagbungad ng 2020, tuluyan na kayong magkakahiwalay ng boyfriend mo.

Tulad ng naipaliwanag na, hindi siya marunong magpahalaga sa relasyon, at sa panahon ng tag-araw sa 2020, sa edad mong 29 pataas, isang lalaking nagtataglay ng zodiac sign na Libra ang darating, siya na ang magiging seryoso mong boyfriend na pangmatagalan mo nang makakasama sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya na nakatakdang mangyari sa 2021 sa edad mong 30 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page