top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg

John Lloyd, out sa eksena! Ellen at anak, sa Germany nag-Pasko

  • Beth Gelena
  • Dec 28, 2019
  • 1 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

Photo: @ellen_jlc

Sa Germany nag-celebrate ng Pasko ang mag-inang Ellen Adarna at Elias Modesto. Wala sa frame ang live-in partner ng dating sexy star na si John Lloyd Cruz. Hindi alam kung kasama si Lloydie sa Germany, pero sa images courtesy ng Instagram account na ellen_jlc, palaisipan sa mga netizens kung nasaan ang aktor.

Anila, “Saan ang daddy ni Elias?”

Ayon pa sa mga netizens, dati ay sa Japan pumupunta si Ellen tuwing Christmas, pero ngayon ay naiba at wala ang ama ni Elias. Patunay daw bang hiwalay na talaga sina Ellen at John Lloyd?

Sa mga kuhang larawan na ibinahagi ni Ellen ay ang anak at ang pamilya niya ang kanyang kasama.

Hanggang ngayon ay parehong hindi nagsasalita ang celebrity couple hinggil sa balitang breakup nila.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page