Horoscope | Disyembre 28, 2019 (Sabado)
- Maestro Honorio Ong
- Dec 28, 2019
- 2 min read

Sa may kaarawan ngayong Disyembre 28, 2019 (Sabado): Mula nang ikaw ay isinilang, kakambal mo na ang pananalo kaya walang dahilan para atrasan mo ang mga hamon ng iyong kapalaran.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kakaiba kaysa sa nakaraan ang takbo ng gulong ng iyong kapalaran. Habang ito ay gumagalaw, ang mga suwerte ay makikitang naiiwan sa iyong mga kamay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-19-20-24-39-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ibinabalita ng iyong kapalaran na ang mga pagbabago sa buhay mo ay magaganap kung saan ang mga ito ay magbabago papunta sa lalo pang pagganda. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-17-24-29-33-36.
GEMINI (May 21-June 20) - Makikislap na masasayang pangyayari ang nag-aabang sa iyo sa landas ng buhay na iyong tinatahak kaya walang dahilan para hindi mo ituloy ang maliliit at malalaking plano. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-10-15-23-33-35.
CANCER (June 21-July 22) - Walang lungkot at pagluha ang ibinabalita ng iyong kapalaran sa hinaharap. At may isa pang masayang balita, ito ay ang malalaking suwerte ay para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-18-22-29-30-31.
LEO (July 23-Aug. 22) - Harapin mo ang mga araw na darating ng may sigla at ngiti dahil ang mga gusto mo sa buhay ay sinang-ayunan na ng langit. Magpasalamat at magbigay ka ng papuri sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-17-20-26-27-32.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ibinabalita ng iyong kapalaran na sa mga darating na mga araw ay aanihin mo na ang matatamis na bunga ng iyong mga pagsisikap. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-26-27-39-40-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakakaawa ang mga magbibigay sa iyo ng kalungkutan dahil sila mismo ang malulungkot. Ito ang pasya ng langit na hindi puwedeng mabali. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-12-19-20-26-37-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nakatutuwa ang kapalaran mo sa darating na mga araw dahil ang hindi mo ginusto, pero makabubuti para sa iyo ay ang mangyayari. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-10-17-21-24-26-32.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang mag-alala sa malalaking pangarap mo dahil ang totoo, kahit maging marami ang mga ito, tiyak ding mapasasakamay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-17-19-22-25-34-38.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ibaba mo na ang iyong mga barahang alas. Sa ganitong paraan, masosorpresa ang mga taong hindi naniniwala sa iyo. Nakagugulat dahil sila ay makikitang sa iyo aasa. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-11-15-20-27-34.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakabibilib ang takbo ng kapalaran mo dahil sa bilis, nawawala ang mga taong hindi mo maaasahan at ang iba pa na tinulungan mo, pero pinagtaguan ka ay hindi mo makikita. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-14-15-20-21-25-36.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kunin mo ang madaling mapasaiyo. Bakit pahihirapan mo ang iyong sarili? Sa ganitong paraan, mas marami kang makukuhang magagandang bagay at magiging mabilis ang iyong pag-unlad. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-15-26-30-34-43.




Comments