top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Ang Unkabogable Star daw ang nagbayad… Vice, nagalit nang ipa-tattoo ni Ion sa binti ang birthdate n

Ronalyn Seminiano
Dec 28, 2019
2 min read

Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Kaaliw ang It’s Showtime nu’ng Thursday sa segment na BiyaHero dahil sa pang-ookray nina Vhong Navarro at Jhong Hilario kay Vice Ganda (as usual). Tattoo ang topic nila. Tinanong ni Vhong kung ilan ang tattoo ni Vice at sey ng kuwelang gay host, “36,464.”

Follow-up question ni Vhong, “Si Ion (Perez), ilan ang tattoo?”

Sagot ni Vice, hindi niya alam kaya nilapitan niya ang BF para tanungin at sabi nito, siyam ang tattoo niya.

Tinanong ni Vice si Ion kung bakit nagpapa-tattoo.

Sabi nito, “Minsan ‘pag ano… ako kasi, kaya ako nagpapa-tattoo, ‘pag nababagot ako or ‘pag may problema ako, ganu’n. Pero ngayon, ‘yung pangsiyam, nandito sa puso ko, eh.”

Ipinakita ni Ion ang pangsiyam niyang tattoo na nasa binti na birthday ng kanyang parents at ni Vice na August 4, 1947; February 3, 1952; and March 31, 1976.

Sabi ni Jhong, “Ayun, oh! Zero… Thirty-one, 1947!” at bigla siyang itinumba ni Vice at saka kinaladkad sa stage.

Tinanong ni Vice si Ion kung totoong 1947 ang nakalagay sa tattoo niya. Sey naman ni Jhong, “Ipakita mo talaga! Akala mo nagbibiro ako, eh. Ayan, oh! 08, 04, 1947!”

Tinanong ni Vice kung kaninong birthday ‘yun. Sagot ni Ion, sa tatay daw niya at ‘yung dalawa pa ay sa nanay niya at kay Vice.

Tanong naman ni Jhong kay Ion, “Gusto kong tanungin, bakit mo ipina-tattoo ‘yang birthdate niya?”

Sagot ni Ion, “Kasi lahat ng special sa buhay ko… ‘yung tatlong ‘yun. Kaya ‘yun, ipinalagay ko sa…”

Sabi ni Jhong, “Kasi siyempre, ‘pag ipina-tattoo mo ‘yan, ano na ‘yan, nakatatak na ‘yan sa katawan mo.”

Biglang hirit naman ni Vice, “Hindi, puwede namang ipaputol ‘yung paa ‘pag…”

Tinanong naman ni Vhong si Vice kung ano ang reaksiyon niya nang malamang nagpa-tattoo si Ion.

Sey ng Unkabogable Star, “Siyempre, at first, nagalit ako. Sabi ko, ‘You didn’t have to do that.’ Tapos, tinanong ko, ‘Magkano ‘yan?’ One five, binayaran ko,” biro ni Vice sabay tawa.

Pero bawi rin ni Vice, “Hindi, walang bayad. Sobra kaya akong na-touched.”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page