top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Walang suwerte sa computer shop, sa negosyong grocery o gas station yayaman

  • Maestro Honorio Ong
  • Dec 27, 2019
  • 2 min read

Maestro Honorio Ong

Katanungan

  1. May negosyo kaming computer rental at ang problema ay unti-unti na itong nalulugi kaya balak ko nang isara at ibenta na lang ang aking mga units. Mahal kasi ang upa sa puwesto at mataas din ang bayad sa kuryente.

  2. Pataya-taya na lang muna ako sa lotto at umaasang tatama ako ng malaking halaga para maisalba ko ang aking negosyo. Maestro, sana mabigyan n’yo rin ako ng mapalad na mga numero.

  3. Isinilang ako noong January 8, 1975. May pag-asa pa kayang maka-recover ang aking kabuhayan at kung magkakapuhunan ulit ako, ano ang masuwerteng negosyo para sa akin? May pag-asa pa kaya akong yumaman, ayon sa guhit ng aking mga palad?

Kasagutan

  1. Ayon sa birth date mong 8 at zodiac sign na Capricorn, hindi produktong may kaugnayan sa computer ang suwerte mong negosyo kundi mga kalakal o produktong solido at butil. Ang pag-aanalisang sa nasabing mga kalakal ka yayaman ay madaling kinumpirma ng matambok at malaman na Mount of Saturn (Drawing A. at B. arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, hindi tama ang produktong computer para sa iyo, sa halip, ang mas angkop ay magtayo ka ng tindahan o grocery habang ang pinakatampok mong kalakal ay bigas, mais, kape, munggo at iba pang kauri nito.

  2. Sa ganyang mga kalakal ka susuwertehin, puwede rin sa iyo ang mga kalakal na de-lata, noodles at iba pang basic foods. Ganundin, ang kalakal na nanggagaling sa ilalim ng lupa tulad ng mga lamang-ugat at pagmimina. Ang kalakal o negosyong gasoline station at iba pang kauri nito ay maaari mo ring subukan at maaaring magpayaman sa iyo na madali namang kinumpirma ng straight Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, sa takdang panahong inilaan ng tadhana, basta tumama ka ng negosyong tututukan, mabilis ang magaganap na pagyaman na tuluyan na ring mapasasaiyo.

Mga Dapat Gawin

  1. Samantala, bukod sa numerong may sumatutal na 4, tulad ng 13, 22, 31, 40 at iba pang kauri nito, mapalad ka rin sa lahat ng numero na may sumatutal na 2 at 7 tulad ng 11, 20, 29, 7, 16, 25, 34 at iba pang kauri nito. Puwede mo ring subukan ang mga numerong 4, 7, 16, 23, 31 at 40, gayundin ang mga numerong 1, 18, 25, 34, 37 at 41. Significant at paborable na panahon naman sa iyo ang mga buwan ng Abril hanggang Mayo, Agosto hanggang Setyembre at Nobyembre hanggang Pebrero, higit lalo sa mga petsang 5, 14, 23, 4, 13, 22, 31, 7, 16, 25, 1, 10, 19 at 28.

  2. Habang, ayon sa iyong mga datos, Daniel, sundin mo lang ang mga mungkahing nabanggit sa itaas, tiyak ang magaganap, kapag nasunod mo ‘yan, sa 2026 sa edad mong 52 pataas, sa pamamagitan ng suwerte at negosyo, magsisimula ka nang yumaman (Drawing A. at B. N-N arrow c.).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page