top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Tulad nina Khalil, Gabbi at Dominic… Julia, in-unfriend ang mga kaibigang artista na close kay Bea

Beth Gelena
Dec 27, 2019
2 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

Photo: @juliabarretto(left)/@beaalonzo(right)

Magtatapos na lang ang 2019 ay gumawa na naman ng isang bagay si Julia Barretto na kaiinisan ng mga netizens.

Ito ay ang pag-unfollow umano sa kanyang social media account sa mga kapwa celebrities na sina Gabbi Garcia, Khalil Ramos at Dominic Roque dahil sa pagiging malapit sa Kapamilya actress na si Bea Alonzo.

Hindi ito nagustuhan ng mga netizens kaya muling na-bash ang young actress.

Sabi ng mga netizens: “Nag-start na ako maawa dito kay girl. Lahat ng close friends niya dati, unti-unti nang umaayaw sa kanya. Si Khalil, kasabayan niya sa Star Magic before pero hindi na sila ganu’n ka close ngayon. 2019 is not a year for you, Julia.

“She has to start looking into herself why… Wala namang ginagawa ang mga iyon sa kanya... These people have every right to choose kung sino ang gustong friends nila... Besides friends naman sila ni Bea before the Gerald fiasco…”

Napansin din daw ng mga netizens na kokonti na lang ang followers ni Julia. Well, may choice naman si Julia na mamili kung sino ang gusto niyang patuloy na maging kaibigan at kung sino ang gustong i-unfriend.

Suggestion nga ng isa niyang follower, “Be minimalist. You don’t need many friends to prove your worth.”

Sinang-ayunan ito ng isang netizen, “I so agree with you. If it’s for her own peace na dumistansiya sa mga former friends, then walang masama.”

But despite na may kakampi ang young actress, tingin pa rin ng ibang netizens ay ‘nega image’ raw talaga ang anak ni Marjorie Barretto. Sadyang mapagkunwari raw si Julia. Nagpapaawa effect umano ang young actress na nasasaktan para masabing siya ang biktima nang sa gayun ay maraming kumampi sa kanya.

Isang netizen naman ang pinaalalaha­nan si Julia, “Naku, ang batang ito, Pas­kung-Pasko, nagbabawas. Embrace all! Love, Tita of Manila.”

Oo nga naman JB, tutal Christmas naman at New Year na next week. Give love on Christmas at iwan mo na ang masasamang nangyari sa iyong buhay ngayong 2019.

Bagong Taon… bagong pag-asa, ‘ika nga!!!!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page