Signs na may nangha-hack ng iyong bank at SocMed account

No Problem

Sa kabila ng mga pag-iingat natin para makaiwas sa mga hackers, hanggang ngayon ay marami pa ring nabibiktima ng pangha-hack kung saan ilan sa mga naa-access ng mga hackers ay ang bank account, socmed accounts at e-mails.
Narito ang ilang signs na may sumusubok na mang-hack sa iyong account:
1. NAKATATANGGAP NG RANDOM INFO. Tayong mga Pinoy, napakahilig natin sa mga raffle at online contest. Agree? Kaya ‘pag may sinalihan kang contest o raffle at nanalo ka, oks lang makipagtransaksiyon sa mga staff. Pero paano ‘pag wala ka namang sinalihan pero nakatanggap ka ng impormasyon na nanalo ka?
Sounds fishy, ‘di ba? Kapag nakaengkuwentro ng ganito, ‘wag basta-bastang mag-click ng link o mag-reply sa mga texts ‘pag kaduda-duda ito.
2. SUSPICIOUS E-MAILS AT CALLS. Sa panahon ngayon, napakarami nang nabiktima ng phishing scam o ‘yung mga tatawag sa target at magpapakilala na taga-bangko at mag-o-offer na ia-update nila ang inyong account. Mga besh, ‘wag basta-bastang magbibigay ng mga impormasyon na hihingin nila over the phone at mas mabuting dumiretso na lang sa bangko para makasigurado.
3. NANINIWALA SA MGA PEKENG DEAL. Napakadaling gumawa ng mga social media account at mag-alok ng kung anu-anong deals sa murang halaga.
Bago maniwala, humingi muna kayo ng opinyon sa inyong tech-savvy friend o kapamilya, lalo na kung ito ay too good to be true. Okie?
4. WEAK PASSWORDS. Marami sa atin ang natatakot na makalimot ng password kaya ang nangyayari, gumagamit tayo ng password na may kinalaman sa atin tulad ng birthday, nickname at apelyido.
Mga lodi, madali nang manghula ng password ngayon, lalo na kung naka-post sa inyong socmed ang mga impormasyong nabanggit at dahil dito, mas mabuting gumamit ng strong passwords na hindi basta-basta nahuhulaan.
5. DEDMA SA ACCOUNT ALERTS. May ilang indibidwal na dumededma lang sa mga text alerts kapag may binagong settings sa kanilang account, pero mga besh, alam n’yo ba na ito ay posibleng sign na may nakaka-access sa inyong account?
Kaya mga besh, ‘pag nakatanggap kayo ng alert kahit wala kayong ginagawang changes sa inyong account, mabuting umaksiyon na.
Watch out for the signs, besh! Wala nang imposible sa mga masasamang-loob ngayon kaya kung maingat na tayo noon, dapat tayong maging mas maingat ngayon upang maagapan ang pangha-hack sa ating mga accounts. Copy?





Comments