Kaibahan ng merry at happy sa pagbati sa Pasko at Bagong Taon
Bigyang-daan natin ang ilang impormasyon tungkol sa New Year.
Happy New Year sa inyong lahat!
Hindi mo ba naitatanong, bakit “Happy New Year” ang pagbati sa Bagong Taon at ano kaya ang kaibahan ng “merry” sa Merry Christmas?
Ang happy at merry ay pareho lang na masaya sa wikang Tagalog. Gayunman, ang dalawang ito ay magkaiba. Ang ‘merry’ sa Merry Christmas tulad ng nasabi na natin noong nakaraang isyu ay mula sa salitang mercury at ang mercury ay ang planet na walang tigil sa pagkislap kaya merry talaga.
Saya ang ibig sabihin ng merry, pero ang happy ay saya rin, kaya lang, ang eksaktong ibig sabihin ay ligaya o maligaya na mula naman sa mga letrang “hap” sa wikang Latin na nasusulat sa letrang “jop” na ang pagbigkas ay “jap” na hinugot naman sa salitang Jupiter kaya ito ay hindi simpleng saya, bagkus, ito ay tunay na ligaya o kaligayahan.
Ang “Happy New Year” ay hindi maligayang Bagong Taon dahil ang ginagamit ay “Masaganang Bagong Taon” dahil kasaganahan ang ibinabalita ni Jupiter.
Pero naririnig din natin ang pagbati ng “Manigong Bagong Taon”, ano naman kaya ang ibig sabihin ng “manigo” sa pagbating ito? Ang manigo ay salita sa sinaunang Tagalog na ang ibig sabihin din ay masagana.
Ito ay nagpapahiwatig na sa darating na 2020 ay buhay ang pag-asa ng bawat tao.
Isang pag-asa na nakatanaw sa maganda at very fruitful na Bagong Taon. Kaya natin ginamit ang salitang “very fruitful” ay dahil sa mga dalubhasa na nagpipinta kay Jupiter.
Siya ay inilalarawan ng lalaki na nakahiga na nakatagilid at sa kanyang harapan o paligid, may makikitang iba’t ibang masasarap na prutas.
Sa Christmas, ang nasa isip ng bawat tao ay magkaroon ng maraming pera at sa New Year naman, ang lahat ay nakatutok sa pagkakaroon ng iba’t ibang klase ng prutas sa hapag-kainan.
Hindi ba nasagi sa iyong isipan na ang bawat kilos ng tao ay nakabatay sa mga astrolohikal na kaalaman at ganundin ang mga pangyayari at ang lahat ay hindi makatatakas sa katotohanang ibinabalita ng mga astrological planet?
Ayon kay Hipparchus, Griego na kinikilalang the greatest astronomer in his time, ang lahat ay nakabase sa galaw ng mga planeta. Sino nga ba ang taong ito na nagsabi ng ganu’ng katotohanan?
Si Hipparchus ay ang founder of trigonometry, siya rin ay nagsilbing guro o gabay ng isa pang sikat at dakilang Greek Astrologer na si Ptolemy na ang mga kaalaman na kanyang astrological truth ay siya ring ibinandera ni Aristotle.
Nakagugulat, pero sadyang totoo na ang Astrology ay karunungang niyayakap ng mga dakilang tao at kung sila ay naririto sa ating panahon, iisa lang ang sabay-sabay nilang gagawin na pagbati sa pagsapit ng 2020. Muli, Happy New Year!
Good luck and God bless!




Comments