Horoscope | Disyembre 27, 2019 (Biyernes)
- Maestro Honorio Ong
- Dec 27, 2019
- 2 min read

Sa may kaarawan ngayong Disyembre 27, 2019 (Biyernes): Malalaking suwerte ang nakalaan sa iyo kaya hindi masasayang ang iyong mga pagsisikap. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag na huwag mong katakutan ang mga hamon ng iyong kapalaran. Harapin mo ito nang mukhaan at makikita mo, ang malalaking tagumpay ay maitatala sa iyong aklat ng kasaysayan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-11-18-20-24-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pagiging matatag sa mga paninindigan mo ang susi ng napakagandang kapalaran mo. Ang anumang pag-aalinlagan ay hindi magandang maisabuhay ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-10-12-28-34-36.
GEMINI (May 21-June 20) - Lakas ng loob ang magdadala sa iyo sa malalaking tagumpay. Sasabihin ng iba, suwerte ka lang naman. Ito ay may katotohanan, talagang masuwerte ka, pero dahil sa lakas ng loob mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-10-16-20-24-33.
CANCER (June 21-July 22) - Panatilihin mo ang kabutihang-loob mo sa iyong kapwa dahil ito ang dahilan kung bakit ang mga biyaya ay patuloy na umaagos sa buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-14-19-29-30-33-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Matapang ka. Nakatutuwa ang kapalaran mo dahil takot sa iyo ang malalaking hamon ng iyong kapalaran dahil ikaw ang mananalo laban sa mga ito. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-16-20-23-30-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Talino at talas ng isipan ang magdadala sa iyo sa maraming tagumpay. Ang pagiging mahiyan naman ang nagsasabing, maaantala ang pagdapo sa iyo ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-19-20-21-28-39.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magpapatuloy ang pagdating sa iyo ng mga suwerte, lalo na sa mga panahon na ang iyong mundo ay parang sobrang bigat at sa mga sandali na ikaw ay inaapi ay bigla kang bubuwenasin. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-11-15-17-25-38.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ang gusto mong maging sa buhay mo, ‘yun ay mangyayari dahil sa kakaibang tigas ng iyong loob. Ang katangian mong ito rin ang kinatatakutan ng iyong mga kaaway. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-19-20-25-28-30-31.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag na huwag kang kukurap, ginagarantiyahan ng iyong kapalaran na ang iyong malalaking ambisyon ay magkakaroon ng katuparan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-20-26-38-45-46.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kahit anong mangyari, huwag kang bibitiw sa iyong mga pangarap. Langit mismo ang palaging aalalay sa iyo, Siya rin ang mag-aalis ng mga hadlang sa landas ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-11-14-25-34-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Patuloy na magiging masarap ang buhay mo at kung sakaling may pangyayaring magbibigay sa iyo ng lungkot, aalisin ang lungkot mo at ang dahilan ng iyong kalungkutan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-10-15-17-20-22.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung ano ang gusto mo, tutukan mo. Nasa pagtutok ang sikreto ng iyong magagandang kapalaran. Determinasyon ang ibig sabihin kaya dapat may determinasyon ka sa buhay mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-20-27-34-38-41.




Comments