Dating sexy actress, aminadong adik… Jenny Roa, huli sa shabu nu'ng Pasko, kulong!
- Ronalyn Seminiano
- Dec 27, 2019
- 1 min read
Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Inaresto ng mga awtoridad ang dating sexy actress na si Jennifer Kiilsgaard a.k.a. Jenny Roa sa isinagawang buy-bust operation noong Pasko, Dec. 25 sa Eusebio Street, Pasay City.
Nakumpiska sa kanya ng mga awtoridad ang 4 sachets ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang P31,000.
Umiiyak si Jenny habang ikinukuwento ang masamang epekto ng droga. Aniya, “This drug will just ano... Kumbaga, ilalayo lang kayo sa pamilya ninyo.
“Instead of spending your time together with your loved one, malilibang ka rito sa p***ng i**ng droga na ‘yan na parating hindi mo alam kung bakit parating hinahanap ng katawan mo, hindi ko alam...”
Ayon naman kay PCPL Jett Morillo, investigator sa Pasay City Police, “Garapalan ‘yung pagbenta nila. Kita ng mga bata, matatanda, ‘yung parang walang iniilagan. Ginagawa nilang parang candy na lang ‘yung ipinagbabawal na gamot.”
Bagama’t umaming gumagamit, depensa ng dating aktres, “May nakuha po talaga sa aking maliit, ‘yung talagang as in maliit. Kasi... I’m using. I have my own reasons. Parang gusto kong pumayat kaya kailangan kong gumamit.
“So, hindi ko po magagawang magbenta kasi I’m with somebody. Meron po akong karelasyon na seryosong tao na may-edad na, na napakapormal para sabihin nilang nagbebenta ako.”




Comments